UMABOT sa P2.43 trilyon ang kabuuang koleksiyon sa buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng Bureau of Customs (BOC) noong nakaraang taxable year, ayon sa preliminary data na ipinalabas ni Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III.
Sa report kay Secretary Sonny ng ROG (Revenue Operations Group) ng DOF, nasa P246.39 bilyon o 11.27 percent ang sobra sa nakolektang buwis sa P2.187 trillion revised target na ibinigay ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) nong nakaraang fiscal year.
Ang BIR ay nakakolekta ng P1.899 trillion, samantalang ang BOC ay may P533.88 bilyon, ayon sa report kay Secretary Dominguez ni Executive Committee (Execom) Assistant Secretary Dakila Elteen Napao.
Naniniwala sina BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay at BOC Comissioner Guerrero na sa gumagandang takbo ng mga negosyo at ekonomiya ay magpapatuloy ang mahusay na tax collections ng dalawang ahensiya ngayong fiscal year at sa mga susunod pang taon.
Tinatayang aabot sa mahigit P10 trilyon ang utang ng Filipinas habang nagpapatuloy ang agresibong spending stragtegy ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte pagdating sa inprastruktura, serbisyong panlipunan, partikular ang malaking gastusin sa paglaban sa pandemyang COVID-19.
Una nang nagpasiya ang cabinet-level DBCC na bawasan ang taxable year 2020 collection target ng BIR at BOC mula sa tax goal na P2.26 trilyon para maging P1.744 trilyon na lamang sa parte ng Kawanihan ng Rentas at mula naman sa P706.881 bilyon ay ibinaba sa P520 bilyon ang tax goal sa panig ng Aduana dahil sa domino effect ng COVID-19 crisis.
Kauna-unahan ito sa kasaysayan ng BIR at BOC na ibinaba ang target tax collection dahil sa dinaranas nating health crisis.
Ang rebisyon ng tax collection ng dalawang ahensiya ay ginawa base sa resulta ng economic contraction na nagrehistro ng 2% hanggang 3.4% na nakaapekto sa tax collection program ng Kawanihan at Aduana.
Ang ginawang pagkaltas sa tax collection goal ng BIR at BOC sa pamamagitan ng DBCC ay para tugunan ang sistema ng pangangalakal at bunga na rin ng kahinaan ng katayuan sa pagitan ng taxpayers at mga negosyante sa bansa.
Si Budget and Development Secretary Welden Avisado ang tumatayong chairman ng makapangyarihang DBCC na nagdedesisyon sa pagtaas at pagbawas ng tax collection goal ng BIR at BOC.
Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Avisado na nabuo ang desisyon ng DBCC ukol sa downward revision ng tax collection goal dahil sa ‘lower economic growth, lower imports’ na nagresulta sa pagbagsak sa tax base.
May instruksiyon si Commissioner Dulay kina Metro Manila BIR Regional Directors Albin Galanza at Romulo Aguila (Quezon City-A and B), Jethro Sabariaga (City of Manila), Glen Geraldino at Maridur Rosario (Makati City A and B) at Gery Dumayas (Caloocan City) at iba pa na pag-ibayuhin ang pangongolekta ng buwis para mapunan ang pondo ng mga pangunahing proyekto ni Presidente Duterte.
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.