HILING NA TAX FREE NA HONORARIA NG TEACHERS, IBINASURA NG BIR

HINDI pinagbigyan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang hiling ng Department of Education (DepEd) na gawing tax free ang honoraria na matatanggap ng mga titser na magsisilbing election board sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa Lunes.

Sinabi ni  Education Secretary Leonor Briones, ito ay dahil sa umiiral na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law at sa existing tax law.

Naglabas na lamang ng regulasyon ang BIR para i-exempt sa tax ang honoraria na  matatanggap ng mga guro na may annual income  na  P250,000 pababa.

Ang  teachers 1 at 2 na tumatanggap ng salary grade 11 o 12 ay buo nilang matatanggap ang kanilang honoraria sa eleksiyon.

Kailangan muna nilang magsumite ng sworn declaration sa mismong araw ng eleksiyon, kung saan nakalagay ang kanilang salary grade at annual income na siya namang iba-validate ng election officers.

Comments are closed.