TAX PAYMENT, RENEWAL NG BUSINESS PERMIT PINALAWIG

PINALAWIG ng Pamahalaang lungsod ang deadline ng business permit renewal at pinapayagan ang mga nakarehistrong computer shop na ipagpaliban ang pagbabayad ng kanilang mga business taxes para sa taong 2021.

Nakasaad sa City Ordinance No. 2020-51 na ang lahat ng mga nagbabayad ng buwis sa negosyo ay maaaring bayaran ang kanilang business taxpayers nang walang surcharge, multa o interes hanggang Pebrero 28, 2021.

Samantala, ang City Ordinance No. 2020-52 ay nagpapalawig sa renewal ng mga business permit at pagbabayad ng business taxes ng mga computer shops, internet cafes, pisonet at iba pang kaparehong establisimiyento pinapayagan na mag-operate hanggang sa itinakdang panibagong deadline.

“Businesses are still reeling from the impact of the COVID-19 pandemic. Many have folded, others have been trying to stay afloat. We hope to give them much-needed reprieve by offering them more time to settle their obligations,” ani Mayor Toby Tiangco.

“Keeping businesses alive means helping employees retain their source of income and be able to support their family. We will always strive to give as much assistance as we can to enable our people to thrive amid these challenging times,” dagdag pa nito.

Nauna nang nagbigay ang Navotas ng tax refund sa mga taxpayers na nagbayad ng surcharges, penalties at interes sa lahat ng lokal taxes at bayarin na dapat bayaran mula Setyembre 14 ng nakaraang taon hanggang sa bisa ng City Ordinance 2020-45. EVELYN GARCIA

Comments are closed.