TAX SHORTFALL SANHI NG COVID-19

Erick Balane Finance Insider

BAGAMA’T lumasap ng shortfall sa tax collections ang Bureau of Internal Revenue, kumbinsido si Commissioner Cesar ‘Billy’ Dulay na kaya pa ring makuha ang iniatang na tax collection goal sa regional at revenue district levels bago magtapos ang taon.

Sa kanyang report kay Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III, binigyang-diin ni Commissioner Dulay na hindi lamang ang tax collections ang labis na napinsala ng COVID-19 pandemic, kundi maging ang ekonomiya, imprastruktura, pangunahing bilihin at gastusin.

Sa bahagi ng colelction report ni Caloocan City BIR Regional Director Grace Javier, sinabi ni Valenzuela Revenue District Officer Atty. Rufo Ranario na mula buwan ng Enero hanggang Marso ay naka-goal ang kanyang distrito na may collection performance na P500,234,844.20 o nag-increase ng 42.92%; sumunod ang Plaridel,  Bulacan – P436,675,107.84 na may pagtaas na 16.21%; Sta. Maria, Bulacan -P461,321,540.89 o pagtaas na 11.52%; Malabon-Navotas – P248,262.079.54 o 9.22% increase; at Caloocan City – P446,468,562.31 na tumaas ng 0.59%.

“The actual collection to the base year 2019 showed an increase of 42.92% (P150 million) from last year’s actual collection. This greatly affected the compared collection amounts for 2019 and 2020,” ani RDO Rufo.

Ang dahilan nito ay nag-avail ng tax amnesty ang kompanyang Acer Steel Industrial Sales Inc. na nagbayad ng P64.6 million at nagrehistro ang delinquent account sa tax type VAT para sa taxable year 2015 at napunan ang shortfall.

“A large portion of the P150 million tax increase in actual collection in 2019 is attributed to the abnormal increase in collection from the letter of authority,” paliwanag ng RDO sa kanyang director tungkol sa pagbagsak ng tax collections.

Mula nang maminsala ang COVID-19 noong Marso,  mabilis ding bu­magsak ang tax collections ng nabanggit na mga distrito, subalit kumpiyansa si RDO Rufo na sa ilalatag nilang programa mula buwan ng Agosto hanggang Disyembre ay kaya nilang makuha ang tax goal.

May direktiba si Commissioner Dulay kay Director Javier na ipursige  ni RDO Rufo ang masusing imbestigasyon sa report na nag-file lamang ng tax returns ang karamihan sa mga negosyante sa Valenzuela City area, subalit hindi tumupad sa kanilang tax obligations.

“No choice kami kundi magdeklara ng giyera laban sa mga trader  sa lantarang paglabag sa probisyon ng National Internal Revenue Tax Code (NRTC) at patawan ng 25 percent surcharge, 25 percent penalties at sampahan  ng  criminal charge of tax evasion,” paliwanag ni RDO Ranario.

Diumano, ginamit na dahilan ng mga ne­gosyante ang health crisis na dulot ng COVID-19 kaya nag-file lamang ng tax returns ang mga ito at hindi nagbayad ng tax.

Nakaapekto sa tax collections ng BIR ang aktuwasyong ito ng mga trader. Nag-isyu ng summons, tax assessments at LAs sa mga tiwaling taxpayers para mahabol ang buwis na iniwasang bayaran ng mga ito, patawan ng penalties at surcharge at para masampahan ng kasong tax evasions sa korte.

oOo

Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag- email sa [email protected].

Comments are closed.