TEACHERS BAWAL MANGAMPANYA

MULING nagpaalala ang Department of Education (DepEd) na ang lahat ng mga opisyal at guro at non teaching na huwag lumahok sa pangangampanya ngayong nalalapit na ang Halalan 2022.

Ayon sa DepEd, dapat sundin ng mga guro at non-teaching personnel ang nakasaad sa Saligang Batas at regulasyon ng Civil Service Commission (CSC) at ng COMELEC kung saan malinaw na ipinagbabawal ang electioneering.

Maliban dito, sinabi rin sa 2018 DepEd order  na ipinagbabawal ang anumang political activities gaya ng pagbuo ng mga grupo na mangangampanya sa isang kandidato.

Ipinabatid pa ng kagawaran na dapat panindigan ang political neutrality sa serbisyo sa gobyerno at panatilihin ang propesyonalismo sa pagtupad ng mga tungkulin.

Nagbabala naman ang DepEd na kung sino ang mahuhuling lumalabag sa mga regulasyon at posibleng patawan ng karampatang parusa. DWIZ882