TEACHERS MAY PASOK SA CHRISTMAS BREAK

teachers

SA KABILA  ng pag­dedeklara ng maagang Christmak break sa mga pampublikong eskuwelahan, iginiit ng Department of Education na kailangan pa ring mag-report ng mga guro  mula  sa Disyembre 16 hanggang sa 22.

Nilinaw ng DepEd ang Memorandum Order No. 49 na nagtatakda na hanggang Disyembre 15 na lamang ang klase sa public schools at  bakasyon na mula Disyembre 16 hanggang 22.

Habang sa Memorandum No. 53 naman ay nakasaad na kailangan pa ring magtrabaho ng mga guro mula sa naturang petsa.

Ipinaliwanag  ng DepEd, ang pagtuturo ay serbisyo publiko at hindi ito dapat na ma-delay para hindi maka-epekto sa outcome ng mga estudyante.

Samantala, nakasaad naman sa DepEd Order No. 25 na nasa kapasyahan naman ng private schools na magkaroon ng sariling school calendar kabilang ang Christmas break, ngunit kailangan na masunod ang minimum na bilang ng araw ng pagpasok ng mga mag-aaral.  ELMA MORALES