(Tech & Trends) TEKNOLOHIYA SA 2024

Pagbali-baligtarin man natin ang mundo, si Thomas Edison pa rin ang Ama ng Teknolohiya.  Isa siyang simpleng Ame­rican inventor na nakagawa ng 1,093 world-record na patents. Siya rin ang gumawa ng kauna-unahang industrial research ­laboratory, kaya nga siya ang father of technology.

THOMAS EDISON

Sa paglipas ng panahon, umunlad na ang teknolohiya. Kyung noon ay mano-mano ang lahat, iba na ngayon. Lahat, computerized na. lumalawak na ang digital landscape dahil sa mabilis na pagbabago ng mundo. Malayo na ang naabot ng technology.

Dati, bago ka makatanggap ng sulat, aabutin ng ilang linggo at kung minsan ay buwan pa pero ngayon, ilang segundo lang, may sulat ka na sa e-mail. Dati, pupunta ka pa sa bangko at pipila bago makakuha ng pera. Ngayon, G-cash lang o PayPal, bayad ka na. Pati sweldo, digital na.

Para hindi ka nahuhuli, dapat, alam mo kung ano ang latest. Hindi ito pagiging marites (mare ano ang latest). Pagiging bukas lamang ito sa pagbabago.

Heto ang 10 Latest Technology Trends ngayong 2024 na kahit si Thomas Edison, magugulat. Hindi naman nakakasorpresang nangangailangan ngayon ng mga tech-savvy professionals. Lahat kasi, digital na kaya in demand ang mga IT professional. Naghahanap ang mga kompanya ng mga empleyadong kayang makisabay sa pagbabago.

Una sa listahan ang Full-stack development, ang latest technology trend sa software industry. Gusto ng mga kompanya ang website o application na user-friendly, kaya kung marunong gumawa ng website ang isang IT professional, malaking bentahe ito para sa kanya.

Malaki man o maliit na kompanya ay nangangailangan ng cybersecurity. Dami na kasing posers at hackers kaya kahit sino, dapat naghahanda sa mga cyber-attacks. Kung mapasok ng hackers ang software o kahit ano pa, kayang lutasin ‘yan ng cybersecurity specialists. At dahil maraming critical data ang itinatago ngayon sa cloud platforms, kailangan talaga ng mahigpit na security measures.

Hindi pahuhuli ang Blockchain technology. Ang Blockchain ay ang distributed database kung saan ligtas at transparent ang transaksyon kahit walang central authority. Ginagamit na ito ngayon sa banking, finance, healthcare, supply chain management, at marami pang iba.

Huwag kalilimutan ang Edge Computing o computation at the network’s edge, na mas malapit sa data generators. Mas mabilis ang data processing dito, mas mabilis kaysa cloud computing.

Heto pa ang Internet of Behaviors, bagong innovation sa teknolohiya, kung saan ang ginagamit na data ay makukuha sa mga internet-connected devices. Ang nakuhang data ay ginagamit upang pag-aralan, i-track, at hulaan ang ugali ng tao.

Sa Predictive analytics naman, kasama ang mga prediksyon sa mga mangyayari. Napag-aaralan dito ang tamang marketing, risk management and operations at iba pang bagay.

Hindi dapat kaligtaan ang Snowflake, isang cloud-based data warehouse solution na marami na ring gumagamit ngayon. Mas mura, at mas reliable itong mag-store at mag-analyze ng data lalo na kung pinag-uusapan ay huge data.

Pero sabi ng mga IT, pinakamaganda pa rin ang DevOps sa ngayon. Ito  ang techniques na ginagamit upang mas mapaganda ang software development process, mapaikli ang software delivery cycles at mas mapaganda ang overall standard. Layon nito ang mag-promote ng collaboration sa developer at operations teams.

Para sa akin, Robotics pa rin ang the best, kasi, ito ang naiintindihan ko. Ito ang science of designing, building, and operating robots. Gusto ko ‘yan, dahil mas mapapadali nito ang trabaho lalo na ang mga gawaing bahay. Kung abala ka sa trabaho, hayaang ang robot ang magwalis sa buong bahay. Sana lang, kaya rin ng robot na magluto.

Last but not the least, trending din ngayon ang AI o artificial intelligence service. Para ito sa mga tamad. Ito ay cloud-based service na nagbibigay ng artificial intelligence. Sumasagot ito sa mga karaniwang tanong na parang tao rin ang kausap mo kaya napapakinabangan nang husto sa mga negosyo.

‘Yan, mga ka-marites ang latest trends in technology sa 2024. Pero mabilis magbago ang teknolohiya. Baka sa kalagitnaan pa lamang ng taon, may madagdag na naman.

NLVN