TENNIS: WORLD NO. 2 HALEP POSITIBO SA COVID-19

Simona Halep

NAGPOSITIBO si world number two Simona Halep sa CO­VID-19 at nagpapagaling na ngayon mula sa kanyang mild symptoms.

“Hi everyone, I wanted to let you know that I tested positive for COVID-19,” pahayag ng 29-anyos na Romanian sa Twitter noong Sabado. “I am self-isolating at home and am recovering well from mild symptoms.

“I feel good … we will get through this together.”

Ang dating world number one ay hindi bumiyahe sa New York para sa U.S. Open Grand Slam ngayong taon dahil sa pandemya.

Si Halep, nagwagi sa French Open noong 2018 at kasalukuyang Wimbledon champion, ay nagtungo sa Paris para sa claycourt Grand Slam subalit natalo kay eventual champion Iga Swiatek sa fourth round sa Roland Garros noong nakaraang. buwan.

Ang Women’s WTA Tour ay may nakatakdang torneo sa Austria simula sa Nob. 9 subalit sinabi ni Halep na tapos na ang kanyang  2020 season kasunod ng kanyang pagkatalo sa French Open.

Comments are closed.