‘TENT CITY’ SA DAVAO DEL SUR DINAGSA

Tent City

MISTULANG naging “Tent City” na ang isang bahagi ng Padada, Davao del Sur bunsod ng kani-kaniyang pagtatayo ng mga tent ang ilang mga residente sa Quirino matapos na nasira ang kanilang mga bahay dahil sa magnitude 6.9 na lindol noong Disyembre 15.

Pinili ng mga residente na itayo ang tent sa open city upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Sa ngayon ay patuloy ang bahagyang pag-uga o aftershocks makaraan ang malakas na lindol.

Nagpapasalamat naman sa temporary shelter ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) ang mga bakwit dahil komportable umano sila lalo na at nakakaranas din ngayon ng pag-ulan ang lalawigan.

Una nang sinabi ni Mayor Pedro Caminero ng Padada, Davao del Sur na nagdeklara sila ng state of calamity noong buwan ng Oktubre dahil rin sa sunod-sunod na lindol dahil sa nadagdagan ngayon ang suliranin ng lalawigan matapos ang magnitude 6.9 na lindol.

Inihayag din ng opisyal na karamihan pa rin sa mga residente ang natatakot na bumalik sa kanilang mga bahay bunsod pa rin ng mga aftershock.

Nilinaw naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (Phivolcs) na mga aftershocks lamang ang nararanasang pag-uga at wala umanong aasahan na pinsala.

Hindi naman inalintana ng mga dumalo sa simbang gabi ang nasabing pagya­nig bagkus ay patuloy pa rin sa kanilang debosyon na pagdarasal, PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.