TERRENCE, ANDRAY ‘OUT’ SA 20-MAN POOL

on the spot- pilipino mirror

HINDI isinama ni national coach Yeng Guiao sina Terrence Romeo at Andray Blatche sa 20-man pool na isasabak sa susunod na window ng 2019 FIBA World Cup  Asian Qualifiers. Kapwa sa MOA Arena gagawin ang laro ng Filipinas laban sa Kazakhstan sa Nob. 30 at Iran sa Dis. 3. Tig-tatlong laro sa FIBA ang suspensiyon nina Romeo at Blatche sa pagkakasangkot ng mga ito sa rambulan nang mag-host ang bansa kontra Australia noong Hulyo  2. Nakakadalawang laro na ang FIBA WCAQ, isa na lang ang hihintayin ng dalawa upang matapos na ang parusa sa kanilang ­dalawa.

Ang mga napiling players ay sina Greg Slaughter, Japeth Aguilar, Jayson Castro, Alex Cabagnot, Matthew Wright, Marcio Lassiter, LA Tenorio, Scottie Thompson, Gabe Norwood, Troy Rosario, Arwind Santos, June Mar Fajardo, Beau Belga, Poy Erram, Ian Sangalang, Stanley Pringle, Christian Standhardinger at mga amatuer na sina Ricci Rivero at high school giant Kai Sotto. Sa Lunes ay posibleng magpatawag na ng ensayo si coach Guiao.



Hindi naman masama ang tinapos ng NLEX Road Warriors.  Next season ay  siguradong magpapalakas sila. Enero 2019 ang simula ng 47th season ng PBA. By February ay makakabalik na rin si Kiefer Ravena, habang si Kevin Alas ay magaling na sa kanyang ACL injury. Kaya may kalakasan na ang NLEX. Good luck, Road Warriors.



May natitira pang kontrata si  Vic Manuel sa Alaska Aces. Kung hindi ako nagkakamali ay may isang taon pa ang kontrata nito. May isang team manager ang nagtanong sa akin kung hanggang kailan pa siya sa Aces. Interesadong-interesado ang team na ito na makuha ang kalibre ng dating PSBA player. Malayo na talaga ang narating ni Vic. Naalala ko tuloy noong nag-uumpisa pa lang si Vic. Nagji-jeep, taxi, minsan kapag walang load ay na­ngungutang siya kasi naman ay talagang wala siyang pera noon. Pero ngayon ay ibang-ibang na ang si Vic Manuel. Sagana sa pera at nabibili na ang lahat ng gusto niya. Marami pa siyang pahihirapan na mga kapwa ka-position niya. Malakas ang ­pangangatawan niya. Ang nais ko at dalangin sa Panginoong Diyos ay  sana magbalik-loob na siya. Kasi ang nanay niya ay nakabalik na sa Iglesia Ni Cristo. Sana siya rin. God bless!

Comments are closed.