TERRENCE INSPIRED MAGLARO DAHIL SA 6-MONTH-OLD BABY BOY

on the spot- pilipino mirror

YUMABANG ang player na ito. Akala ko dati ay tsika lang ang pagiging mayabang at suplado niya pero totoo pala. Ako mismo ang naka-kita sa ugali ng Fil-Am player na ito. Noong PBA Press Corps Awards Night nga noong January ay nahuli ng dating ang basketbolista at gusto pa niya ay katabi ang mga kasamahan niya sa team. Sabi niya, kung wala na raw siyang mauupuan ay uuwi na lang siya. Hindi lang maarte sa labas kundi pati sa loob ng court. Kaunting kanti lang ay umaarte na siya, kesyo matindi ang tama ng nakabangga sa kanya sa loob ng court. Aarteng babagsak sa sahig, pero nagpapahinga lang naman siya. Hay, naku, makakakuha rin ito ng katapat sa loob ng court.



Nalalapit na ang PBA ALL-STAR GAMES na gagawin sa Calasiao, Pangasinan. Excited na ang mga taga-Pangasinan dahil sa daming ng players na pupunta sa kanilang lugar na halos lahat ng star players ay maglalaro roon.

Sa unang pagkakataon ay bagong mga coach ang hahawak sa North at South team. Sa North team ay si coach Louie Alas ng Phoenix Pulse Fuel Masters  ang magiging head coach, habang si coach Caloy Garcia ng Rain or Shine ang mangunguna para sa South team. Ang team nina coach Alas at coach Garcia ang kasalukuyang nangunguna sa ongoing conference. Posibleng ito ang naging basehan ng pagbibigay sa kanila ng chance  na hawakan ang North at South team. Maganda naman ang ginawa ng PBA para mabigyan ng pagkakataon ang iba. Hindi puro snla coach Tim Cone at coach Leo Austria or coach Yeng Guiao.



Kaya naman pala very inspired maglaro itong si Terrence Romeo ng San Miguel Beer ay dahil sa kanyang asawa at higit sa lahat ay para sa kanyang 6-month-old baby boy. Guwapo ang anak ni Romeo, tulad din niya ay mahaba ang buhok. Kaya pala medyo nagbago na rin si Terrence, kung dati ay may pagkamayabang ito sa loob ng court, ngayon ay medyo nabawasan na. Marunong na rin siya makinig sa kanyang teammates at nabawasan na rin ang pagiging buwakaw sa bola. Sa tingin ko, kaya naman nagiging matakaw sa bola noon ang dating FEU player ay dahil na rin sa mga dating kasama-han na inaasa lang sa kanya ang pagpuntos. Kaya naman ang mama ay walang magawa kundi mag-shoot nang mag-shoot. Sa pagdating ni Terrence sa kampo ng SMB ay nakita ko naman ang communication niya sa kanyang mga teammate. At parang walang topak si Romeo sa SMB. ‘Di ba, SMC Sports Director Alfrancis Chua?



Ang mga FEU women’s volleyball player pala ang maglalaro sa darating na Sabado sa Eat Bulaga sa contest nilang BOOM. Sina Heather Guino-O, Carly Hernnadez at Alyssa Bautista. Exciting ang game na ito, aliw na aliw ang tatlong players ng Lady Tamaraws. Pawang trivia kasi ang mga question sa BOOM, kung saan ang host dito ay si Bossing Vic Sotto, kasama sina Ryzza Dizon, Baste at Alden Richard.



PAHABOL: Happy birthday sa friend kong si Ka Marita Bunagan last Januuary 12, at sa sister-in-law ko na si Sis. Ofelia Manuel Ybanez. More birthdays to come and good health sa inyong dalawa. More akay sa lokal ng Tandangsora Caloocan.

Comments are closed.