TERRENCE MAINIT NA TINANGGAP NG SMB

Terrence Romeo

NAGING mainit ang pagtanggap ng kampo ng San Miguel Beer sa bagong player nila na si Terrence on the spot- pilipino mirrorRomeo. Maging ang kanyang teammates ay maganda ang pagtanggap sa dating player ng FEU. Kaya naman si Romeo ay tuwang-tuwa sa new team niya.

Ayaw nang magsalita pa ng player hinggil sa nangyari sa kanila ng kanyang dating koponan na Talk ‘N Text, basta ang alam niya ay mabait si MVP o  Manny V. Pangilinan. Ito ang malaking ipinagpapasalamat niya. Basta mas marami ang nakakakilala kung sino ang tunay na Terrence Romeo.

Samantala, nadagdag naman si  Jimmy Alapag bilang isa sa coaching staff ng team. Si Alapag ang head coach ng ALAB Pilipinas na naglalaro sa ABL, isang international basketball tournament. Si Jimmy ay naging coaching staff sa TNT, na­ging staff din siya ni coach Tab Baldwin, at ng Gilas Pilipinas. Makakasama ni Alapag sa coaching staff ng Beermen sina Deputy Peter Martin, Dayong Mendoza, Boycie Zamar, Biboy Ravanes, Jorge Gallent at Ato Agustin. Welcome to SMB team, Jimmy Alapag.



Nagkabalikan na pala ang Fil-Am player na si Davon Potts at ang kanyang courtside reporter na si Rizza Diaz. Kaya naman pala blooming ang girl at todo ang smile dahil balikan blues na sila ng player ng Alaska Aces. Mukhang nauntog na at nagising sa katotohanan ang mama na si Ms. Diaz ang totoong nagmamahal sa kanya at totoong tao para sa kanya. Ilang buwan din namang nagkahiwalay ang dalawa. Dumarating naman kasi sa isang relasyon ang ‘di pagkakasunduan. Sana ay maging matatag na ang rela-syon nina Davon at Rizza. Congrats.



Paso na ang kontrata ni Mark Caguiao sa Barangay Ginebra. Tsika namin ay isang taong kontrata lang ang ibinibigay sa 12- time All Star at 3-time member ng Mythical first team. Naging MVP din si Caguioa noong 2012. At last year ay napabilang siya sa 10,000-point club.  Ang tanong, pipirma kaya si Caguiao sa mother team kahit one year lang ang kontrata na nakalaan para sa kanya?



Sa unang pagkakataon ay ngayon lamang magkakahiwalay ng landas ang makaibigan na sina June Mar Fajardo at Brian Heruela ng San Miguel Beer. Tsika namin, ka-package deal ni Fajardo si Heruela noon dahil mag-bestfriend ang dalawa noong nasa Cebu pa sila. Pero ngayon ay magiging magkalaban na ang mag-bestfriend kung saan nalipat si Heruela sa Blackwater, kasama si David Semerald. Kasama sila sa  ‘three way trade’ sa pagitan ng TNT, SMB at Blackwater. Tanggap naman ito ni Fajardo dahil part ito ng business. Good luck!

Comments are closed.