ZAMBALES – ARESTADO ang isang umano’y miyembro ng international terror group dahil sa baril at pampasabog na nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at iba pang elemento ng RIU3, ISAFP, NICA, CTIC, JTF at NCR sa Brgy. Lipay Dingin sa bayan ng Iba.
Kinilala ni PNP Regional Director PBGen. Joel Napoleon Coronel ang suspek na si Cholo Abdi Abdula, 28-anyos, Kenyan national.
Inaresto si Abdula sa isang hotel kung saan siya naninirahan habang nag-aaral magpalipad ng eroplano sa isang flight school.
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Mariveles RTC Judge Emmanuel Silva dinakip si Abdula dahil sa posesyon nitong baril at pampasabog.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9516 si Abudla na nakuhanan ng .9mm na baril, improvise explosive device, granada at mga component sa paggawa ng bomba.
Sa inisyal na impormasyon, si Abdula ay miyembro umano ng Al Shabaab na konektado sa Al Queda Terror Group.
Nabatid na si Abdula ay kasalukuyang gumagawa ng research ukol sa iba’t ibang aviation threats, aircraft hijacking at paggawa ng palsipikadong travel documents.
Matatandaan na bago ang nangyaring 9-11 attack sa America, nag-aral dito ang isa sa mga suspek na umatake sa mga government building doon. THONY ARCENAL
Comments are closed.