TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Camilo Pancratius P. Cascolan na paiimbestigahan nito ang umano’y red tagging sa mga aktibista na isang police station.
Ginawa ni Cascolan ang pahayag makaraang tanungin ng miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara nang humarap para sa budget hearing.
Magugunita, noong isabatas ang Anti-Terrorism Act ay maraming ang tumututol dito, bukod pa nag-viral na post sa isang police station sa probinsiya na kontra sa mga aktibidad ng rebelde kaya naman pumalag ang grupo ng militante.
Gayunpaman, sinabi ni Cascolan na paiimbestigahan ang nasabing post at gagawa ng hakbang upang pigilan ang ganoong gawain at tinitiyak na ang PNP ay sumusunod sa batas.
“We will investigate the alleged red tagging of the PNP but as of now there is no feedback given to us, rest assured that the PNP always follows the rule of law and the same time come up with how we will be able to avoid such tagging, if it is true that police station were the one who did these, our Anti-Cyber Crime group will continue to work on these so we will able to come up with proper investigation,” ani Cascolan.
Dagdag pa nito, kumikilos na ang ACG unit para siyasatin ang umano’y post na itinuring ng Makabayan bloc na red tagging.
Nabatid na mahigpit na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Cascolan na ipatupad nito ang rule of law. EUNICE C.
Comments are closed.