MALAKI ang pangangailangan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Language Skills Institutes (LSIs) sa mga titser/trainers para sa mga lengguwaheng Arabic, Korean, English, Mandarin Chinese, German, Mandarin Taiwanese, Italian, Spanish, Japanese at Bahasa Indonesia.
Sa ipinalabas na memo ni TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong ay inatasan nito ang Regional Directors, Executive Director ng National Institute for Technical Education and Skills Development (NITESD) at National/Regional Language Skills Institutes (N/RLSIs) na buhayin ang Language Skills Institutes ng ahensiya.
Ayon kay Mamondiong, ang work-based language at culture programs ay mahalagang pamamagitan sa mga estudyante at job-ready workers upang mapahusay at mapaunlad ang kanilang competitiveness na pandagdag sa kanilang taglay na qualifications na nire-require ng kanilang industry/employer, sa local at international markets.
Ang N/RLSIs ay inatasan na mag-alok ng language and culture programs sa kanilang lugar base sa bansa na marami ang pupuntang mga overseas Filippino workers (OFWs) gayundin sa mga bansa na may “government-to-government agreement sa Pilipinas.
Ang mga qualifications para sa mga interesadong aplikante ay: bachelor’s degree holder; kailangan ay may isang taong karanasan sa pagtuturo ng language; may TESDA Trainers Methodology Level 1 Certification; computer literate na may back-ground sa Microsoft application tulad ng PowerPoint Word, at Excel; magaling sa oral at written communications; magaling sa coaching/facilitation skills; fluent sa English at sa kanilang native/local dialect; dapat may A1 (Common European Framework of Reference for Languages) o katumbas sa language proficiency; at expats na may work visa status.
Ang requirement sa mga trainee: Filipino citizen; Bachelor’s Degree Holder; may isang taong karanasan sa pagtuturo ng language at mangakong magiging trainer sa isa sa 10 languages; mangakong tatapusin ang TESDA Training of Trainers program; good moral character; at dapat fluent sa English at sa kanilang native/local dialect. BENJARDIE REYES
Comments are closed.