TESDA NAKALIKOM NA NG RELIEF GOODS PARA SA TAAL VICTIMS

RELIEF GOODS

NAKAKOLEKTA na ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng 990 packs of relief goods mula sa kanilang mga Regional Offices (ROs), Provincial Offices (POs) at TESDA Technology Institutions (TTIs) para sa mga biktima ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa kasalukuyan ang ROs, POs and TTIs ay nakalikom ng gallons of water, sacks of rice, canned goods, clothes, blankets, hygiene at dental kits, pati na rin mga diapers na nakahanda ng dalhin sa mga evacuation centers sa Batangas at Cavite.

Nakalikom din ang naturang ahensiya ng halagang Php 114,755.00  para sa mga biktima simula noong Enero 18.

Matatandaan na ilang mga TTIs ay nakapag-produce na ng face masks at pastries na agad naman na ipinadala sa mga evacuation center.

“I’d like to assure our kababayan that TESDA is here to assist them as they try to rebuild their lives. Whether they want to learn new skills for a new job, or start a new livelihood, TESDA is ready to help them,” paha­yag ni TESDA Secretary Isidro Lapeña.

Ang hakbang ng TESDA ay bilang tugon sa pinsalang dulot ng pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas, magsasagawa sila ng short-term skills training para sa evacuees upang may pagkakitaan at maging produktibo pa rin dulot ng naturang kalamidad.

Inatasan din ng TESDA ang iba pang TTIs na magsagawa ng short-term training na ang benepisyaryo ay ang mga biktima.

Samantala,  ang TESDA-Cavite ay nagtayo ng photovoltaic (PV) solar lights sa mga evacuation center. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.