QUIRINO – SA pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na pinamamahalaan ni Provincial Director Belinda Labotong ay nagagalak siya na ipamalita ang mga proyekto ng TESDA na mapapakinabangan ng mga nagna-nais mag-aral ng iba’t bang skills sa kanilang nasasakupan at ang mga kasalukuyan pang ginagawa sa probinsya ng Quirino, kabilang na rito ang scholarship grant sa mga mag-aaral na aniya ay diretso na sa iba’t ibang unibersidad.
Ayon kay PD Labotong ng TESDA, sa kasalukuyan ay 50% pa lang umano ang kanilang na-monitor na employed na nagsipagtapos sa kanilang tanggapan at labis siyang natutuwa dahil sa pamamagitan ng TESDA ay nabigyan ng mga trabaho ang noon ay walang tumatanggap sa kanila kapag sila ay nag aaplay ng trabaho at sa kasalukuyan ay patuloy ang nasabing tanggapan ng mga scholarship grant para sa mga studyante na nag-nanais magkaroon ng diploma.
Sinabi pa ni provincial director Labotong na dapat ang mga nagtatrabaho sa mga kompanya ay kinakailangan na sila ay certified worker at may assessment ang tanggapan ng TESDA upang mapatunayan kung talaga ngang sila ay karapat-dapat sa kanilang papasukang kompanya.
Sa Bureau of Jail of Management of Penology (BJMP) Quirino Province, na pinamumunuan ni Provincial Jail Warden Angelito De Laza, may mga inmates na nagnanais na mag-aral at magkaroon ng diploma habang sila ay nasa loob ng BJMP at sa sandaling sila ay makalaya na ay may gagamitin na silang diploma para sa kanilang trabaho.
At sa pamamagitan ng TESDA, ay may kurso silang Masonry, Tiles Setlins, Welder, at marami pang ibang kurso, sunod sa kanilang kagustuhan. IRENE GONZALES
Comments are closed.