“TESDA SCHOLAR, NAGTAGUMPAY DAHIL SA LABIS NA PAGMAMAHAL SA AGRIKULTURA”

TESDA

Nagsimula bilang isang working student si Herbert Amay sa Wangan National Agricultural School (WNAS), isang TESDA-Accredited school sa Calinan, Davao City. Kumuha siya ng kursong Agricultural Crops Production at ‘di nagtagal, natapos niya ito at nakakuha ng National Certificate (NC) I at II na siyang nagbigay-daan para makahanap siya ng magagandang oportunidad sa loob at labas ng bansa.

Unang nagtrabaho si Herbert sa DAVCO (Davao Agricultural Ventures Corporation) at kinalaunan ay lumipat sa SUMIFRU Philippines na isa ring kilalang agricultural company.

Matapos ang tatlong taon, sinubukan namang mangibang-bansa ni Herbert at nagtrabaho bilang isang sea foods sales representative sa Doha, Qatar.

Hindi tumigil si Herbert hanggang sa makakuha siya ng trabaho sa sektor na malapit sa kanyang puso – ang agrikultura.

Ngayon ay isa nang green house cultivator / vegetable farmer si Herbert sa Chiba Ken, Japan na siyang naging bunga ng kanyang pagmamahal sa agrikultura at pagsisikap na maabot ang kanyang pangarap.

Comments are closed.