TESDA TUTULONG SA MGA BIKTIMA NG BULKANG TAAL

Customs Commissioner Isidro Lapeña

NAGPALABAS ng kautusan si Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Isidro Lapeña sa kanilang regional at provincial offices pati na rin sa operating unit na magbigay ng tulong sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Sa direktiba ni Lapena inatasan nito ang regional at provincial offices na magpadala ng tulong kagaya ng face masks, tubig, canned goods at iba pang produktong pagkain na ginagawa ng mga trainees ng TESDA.

“In line with the recent Taal volcano eruption, may I request the officers, men and women of TESDA to once again share our compassionate hearts with others and help our fellow TESDANS and Kababayans in affected areas through donations, in-kind or in cash,” ani Lapeña.

Sa ilalim ng training-cum-production scheme ng TESDA , ang lahat ng  trainees na kasalukuyang nagsasanay sa pananahi o di kaya ay food production ay inatasan ni Lapena na mag-produce ng aktuwal na produkto.

Sa kasalukuyan ang mga TESDA staff at kanilang mga scholar ay gumagawa na ng mga face mask at mga pagkain na kanilang dadalhin sa mga drop-off station.

Nakapagpadala na ang TESDA sa Central Luzon (Region III) ng pito at kalahating sakot ng bigas at iba pang mga pangangailangan sa TESDA Calabarzon (Region IV-A) ay ipinadala sa Cavite.

Gayundin, ang TESDA Bicol Region (Region V) ay agad naman nagsagawa ng Operation Tabang para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal sa tulong ng Technical Vocational Education and Training (TVET) scholars at professionals pati na rin ang TESDA Technology Institutions (TTIs).

Sa kasalukuyan ang TTIs na nagbibigay ng training para sa Bread and Pastry Production NC II ay kasalukuyan gumagawa ng mga biscuits at cook-ies para sa evacuees samantalang ang Local Government Unit (LGU) Juban Training Center ay gumagawa naman ng mga face mask na dadalhin sa TESDA Central Office sa  Taguig City.

Sa kasalukuyan, may 6,900 face masks mula sa Sorsogon National Agricultural School at San Francisco Institute of Science and Technology ang nadala na sa Central Office na kanila namang paghihiwalayin upang madala sa mga biktima ng pagsabog.

Ang TESDA National Capital Region ay nakapaghanda na rin noong Enero 15 ng mga damit, kahon-kahong face masks, hygiene kits, bottled water at mga de latang pagkain para sa evacuees. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.