TESTING AT ISOLATION FACILITY SA MGA MALALAKING KOMPANYA

Eduardo M. Año

DAPAT magkaroon ng sarili testing capacity at isolation facility ng mga malalaking kompanya o pabrika bukod pa sa magiging mandatory ang pakikipag-ugnayan ng mga ito sa mga nakasasakop na Local Government Units (LGUs) na siyang bagong direktibang inilabas ng National Task Force (NTF) against COVID-19

Ito ang nakasaad sa joint memorandum circular ng Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) na siya ring naging rekomendasyon sa mga export processing at mga industrial zones sa bansa partikular sa bahagi ng Luzon.

Ayon kay  NTF vice chairman at Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, kailangang may pakikipag-ugnayan muna sa LGU ang isang pabrika o industrial zone bago sila magsagawa ng testing sa kanilang mga manggagawa.

Agad naman na sinang-ayunan ng mga LGU ang nasabing panukala ng NTF.

Layunin nito na matutunan ng mga kompanya ang wastong pamamaraan ng pangangasiwa sakaling mayroong magpositibong mga manggagawa at opisyales.

Inihalimbawa ni Año ang pinuntahan nito industrial zones sa Sta Rosa, Laguna na nagsagawa ng COVID-19 test sa kanilang mga manggagawa at nagkaroon ng positive cases pero imbes na i-isolate agad ang mga ito, pinauwi pa at pinapunta sa kani-kanilang barangay. VERLIN RUIZ

Comments are closed.