Mga laro sa
Miyerkoles
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Magnolia vs Columbian
7 p.m. – NLEX vs GlobalPort
PINUTOL ng Alaska ang three-game winning run ng Talk ‘N Text sa pamamagitan ng 110-100 panalo sa pagpapatuloy ng PBA Commis-sioner’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo, Rizal.
Sa panalo ay sumosyo ang Aces sa liderato sa Tropang Texters, Meralco Bolts at Rain or Shine Elasto Painters sa 3-1 kartada.
Hindi pinaporma ng Aces ang Tropang Texters at lahat na diskarte ay ginawa ni coach Nash Racela subalit hindi ito umubra sa tropa ni coach Alex Compton.
Lumamang ang Alaska ng 25 points, 92-67, sa 7-0 run, sa pangunguna ni Vic Manuel, katuwang sina Calvin Abueva at Mario Magat.
“They played according to form. They’re consistently connecting shots from all corners,” sabi ni Compton.
Umiskor si Manuel ng 29 points sa 12 of 18 sa field at humakot ng 12 rebounds upang muling tanghaling ‘Best Player of the Game’.
Sina Jayson Castro at Terrence Romeo ang nagdala sa opensiba ng TNT subalit hindi ito sapat para bigyan ng panalo ang TNT makaraang hindi makakuha ng solidong suporta sa kanilang mga kasamahan, maski kay import Jeremy Tyler.
Maging sina ace gunners Troy Rosario, Roger Pogoy, RR Garcia at Ryan Reyes ay hindi nakapag-ambag ng puntos sa TNT.
Hindi gaanong nakalayo ang Alaska sa first quarter subalit sa second period ay kumalas ito upang itarak ang 18 puntois na bentahe, 59-41, at tinapos ang first half sa 59-43.
Iskor:
ALASKA (110) – Manuel 29, Campbell 23, Casio 10, Abueva 9, Banchero 8, Racal 8, Enciso 7, Magat 7, Thoss 5, Teng 4, Baclao 0, Exciminiano 0, Potts 0.
TALK N’ TEXT (100) – Castro 18, Romeo 17, Tyler 16, Rosario 15, Cruz 10, Pogoy 9, Semerad 5, Trollano 5, Reyes 3, Paredes 2, Golla 0, Carey 0, Garcia 0, Saitanan 0.
QS: 34-26, 59-43, 85-67, 110-100.
Comments are closed.