IDINAOS ng Asian Boxing Confederation (ASBC), ang regional association para sa amateur boxing, ang quadrennial elections nito para sa presidente at mga miyembro ng Executive Committee nito sa Marriott Bonvoy Hotel sa Amman, Jordan noong Sabado.
Nahalal na presidente si Pichai Chunhavajira, isang kilalang negosyante, corporate executive at sportsman mula sa Bangkok. Siya ang presidente ng Thailand Boxing Association at umuupo rin bilang vice president ng Thailand National Olympic Committee.
Ang immediate ASBC past president, si Anas Al-Otaiba ng UAE ay hindi na muling tumakbo kaya sina Pichai at lone protagonist Uzbek Federation vice president Saken Polatov na lamang ang naglaban para sa top post.
Ang 73-year-old Thai ay nagwagi aa botong 18-11.
May 44 member-countries ang ASBC ngunit dahil sa pandemya ay hindi nakadalo ang ilan sa confab. May isang spoiled ballot sa 30 bumoto.
Inihalal din ang 11 Board members mula sa iba’t ibang bansa sa Asian region.
Isa sa unang ginawa ni Pichai sa kanyang unang board meeting na kanyang ipinatawag matapos ang eleksiyon ay itinalaga niya si ABAP president Ed Picson bilang spokesperson at head ng ASBC media Affairs. Ang appointment ay pinagtibay ng Board.