NAKATUTUWA namang sa primetime ay panalo ang Kapuso Mo, Jessica Soho at Amazing Earth ng GMA-7.
24 Oras Weekend naman last Sunday ay naka-5.1% ito, at 4.6% lang TV Patrol.
Naka-7.1% ang Amazing Earth, laban sa 5.2% ng Goin’ Bulilit. Dumikit ang Daig Kayo ng Lola Ko na 8.1% sa Hiwaga ng Kambat na 8.4%.
11.4% ang Idol Philippines, at 8.1% lamang ang Studio 7, which is not bad at all.
Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay naka-16%, at 7.8% lamang ang Rated K, at 4.1% ang PBB Otso.
5.1% naman ang The Boobay and Tekla Show, as compared to Gandang Gabi Vice that was able to get a 4.7% rating.
WILLIE REVILLAME TINUPAD ANG PANGAKO SA ISANG CONTESTANT SA IT’S SHOWTIME!
MASAYANG naikuwento ni Ogie Alcasid sa isang guesting niya sa isang radio program kamakailan na naipadala na pala ni Willie Revillame ang naipangako niyang drone sa isang contestant nang Tawag Ng Tanghalan.
Hindi talaga planado pero Ogie tried calling Willie and he talked to him live via phone patch at It’s Showtime to tell him one contestant’s wish about his desire to have a drone for his son.
Naipadala na pala ni Willie sa studio ng It’s Showtime ang promised gift for Clyde Borlongan’s son.
Anyway, marami ang naaliw sa nasabing “guesting” ni Willie sa It’s Showtime, specifically so na dati itong timeslot ng Wowowin host when he was still working for ABS-CBN.
Nagbiro pa nga si Willie kung puwede raw ba siyang mag-guest roon nang live. Kaya lang, baka mawalan siya ng game show sa GMA-7.
Ang tanong, mage-“guest” rin kaya si Ogie o Vice sa Wowowin?
‘Yan ang tanong na mahirap hanapan nang kasagutan. Hahahahaha!
AKTRES-AKTRESAN SALITA NANG SALITA NG KOREAN, WALA NAMANG NAKAIINTINDI
PINAG-UUSAPAN pala sa nakaraang awards night ang isang aktres-aktresan na may innate penchant for changing her nose, lips and eyes depending on her whims. Harharharhar!
Marami ang hindi nakakilala sa bagong ayos ng aktres-aktresan pero hindi ma-pinpoint ng mga intrigera kung ano ang pinabago ng reyna nang retoke this time.
Basta may pinabago siya dahil she looked different.
Ang nakaloloka pa, nagtakip pa, naglagay ng mask rather, ang bruhilda para lalong maintriga sa kanyang bagong ilong ang mga intrigera. Ha-hahaha!
Ang isa pang ikinapraning ng mga intrigera ay ang pagsasalita nang Korean ng girl in between commercials. Hahahahaha!
Talaga raw talk nang talk in Korean ang girl mereseng no comprehension naman ang mga kausap niyang artista na hosts din ng naturang event. Hakhakhak!
Bakit bigla na lang siyang Korean speaking? Ang sabi, may isa raw lukring na manghuhula ang nagsabi sa girl na she was a Korean in her past life. In her past life raw, o! Harharhar!
No wonder, nag-aral siyang magsalita ng Korean at talk siya nang talk in that language mereseng no comprehension naman ang kanyang mga kausap. Hahahahaha!
Nakababaliw siya ever. Hahahahaha!
Follow me at my Twitter Account Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.