MAKAPANGYARIHAN ang pag-ibig ngunit hindi natin nare-realize kung gaano kalakas ang kapangyarihan nito. Isa itong conscious choice upang makita kung ano ang magandang bagay sa iba. Nakikita ang kapangyarihang ito sa prinsipyong ibinibigay natin sa ibang tao, at pinalalakas natin ito sa kaibuturan ng ating puso.
Ang tunay na kapangyarihan ng pag-ibig ay makikita sa kakayahan nitong baguhin ang isang tao — alang-alang sa pag-ibig. Pwedeng pagbabago para sa kaibigan, o pagtatanggol sa ipinaglalabang prinsipyong may kakayahan ang pag-ibig na baguhin ang nakasanayan.
Sabi nila, “love can move mountains.” Siguro, hindi literal, pero kahit pa anong sabihin mas higit ang kapangyarihan ng pag-ibig kesa pagkamuhi, prejudice, at indifference — kaya nga masasabing ito ang pinakamakapangyarihan sa lahat.
Kung usapang Biblia naman, ayon sa kasulatan, “Filled with His love, we can endure pain, quell fear, forgive freely, avoid contention, renew strength, and bless and help others.” Kasi nga, ang Diyos mismo ay pag-ibig.
Sa tulong ng pagmamahal, kahit ang may malubhang sakit, gumagaling. Kahit may high blood, aba, napapababa ang pressure at nababawasan ang risk ng cardiovascular disease. Ayon po mismo iyan sa mga duktor.
Higit pa dyan, ang supportive relationship na puno ng pag-ibig ay nakatutulong upang naisin ng maysakit na mabuhay — alang-alang sa minamahal.
Napakahalaga ng pag-ibig kahit sa Biblia. Pag-ibig kasi ang Central Ethical Command
Kahit sa Sampung Utos ng Diyos na kinuha ni Moises sa Mt. Sinai, ang unang utos ay “Ibigin mo ang Diyos ng higit sa lahat.”
Ayon naman mismo kay Jesus, “love one’s neighbor as the self. (John 13:34)
Bawat utos, Bago man o Lumang Tipan, ay umiikot sa pag-ibig.
Mismong Diyos ang nag-uutos na magmahalan tayong lahat. At ang pag-ibig — dapat ay tapat. Yung iiwasan mong magalit dahil iyan ay evil; kumapit sa kung ano ang mabuti. Maging devoted sa isa’t isa. Bigyan ng pagpapahalaga ang minamahal ng higit sa iyong sarili.
Sabi nga sa Biblia,
God is forgiving.
How wonderful it is that he promises that when we turn to Him, “I will forgive their iniquity, and their sin I will remember no more” (Jeremiah 31:34). And, “As far as the east is from the west, so far has he [God] removed our transgressions from us” (Psalm 103:12).
JAYZL VILLAFANIA NEBRE