‘THE TEN COMMANDMENTS’ AT IBANG PROGRAMA PARA SA SEMANA SANTA INILATAG NG GMA

rocco and max

SA GITNA ng kinaharap na hamon ng bansa dahil sa 2019 Coronavirus Disease (COVID-19),  bigyang halaga ang pagninilay ngayong buzzdaySemana Santa sa inyong mga tahanan at bigyan ng oras ang mga espesyal na

programming lineup ang mapanonood sa  GMA Network ngayong Semana Santa, simula Huwebes Santo (Abril 9), Biyernes Santo (Abril 10), at Sabado de Gloria (Abril 11).

Sa Huwebes Santo, umaga pa lamang ay itatampok ng Kapuso ang “The Church of Jesus Christ of Latter Day Saints April 2020 General Conference.”

Susundan naman ito ng mga animated movie na “Angry Birds Toons with Stella and Piggy Tales” (8:00am); “Lilo & Stitch” (9:00am); “Pocahontas” (10:30am); at “Aladdin” (12:00nn).

Mapanonood din ang South Korean romantic comedy film na “My Sassy Girl” simula 1:30pm at pagsapit ng 3:00pm ay ipalalabas naman ang “Jesus His Life: Joseph” na bibigyang boses ni Rocco Nacino.

Ang biographical religious drama na “Magdalena” ay mapanonood ng 3:30pm.

Handog din ng Kapuso Network ang “Jesus His Life: John the Baptist” na bobosesan ni Benjamin Alves (5:00pm); CBN Asia offering na “Wanda’s Wonderful World” na pagbibidahan ni Ms. Coney Reyes (5:30pm); at “Jesus His Life: Mary” na bibigyang boses ni Max Collins (7:00pm).

Dapat abangan ang kuwento ni Moses mula sa Bibliya na “The Ten Commandments” na siyang mapanonood sa ika-7:30 ng gabi at pagdating ng 11:00pm, hatid naman ng GMA News and Public Affairs ang mga kuwento ng mga pagsubok at tagumpay sa “Tunay na Buhay.”

Mapanonood pa rin sa Biyernes Santo, ang “The Church of Jesus Christ of Latter Day Saints April 2020 General Conference” sa ika-5 ng umaga.

Handog din ng Kapuso Network ang natatanging programang may mataas na parangal na “Power to Unite” ni Ms. Elvira Yap-Go sa ika-8 ng umaga.

Para sa mga bata, itatampok naman ang pelikula na “Cloudy With a Chance of Meatballs” (9:00am); at “Joseph: King of Dreams” (10:30am).

Samantala, gabay sa pagninilay naman ang mapapanood sa “Siete Palabras” simula ika-12 ng tanghali at susundan ito ng “Jesus His Life: Caiaphas” na bibigyang boses ni EA Guzman (3:00pm).

Mapapanood ang pelikulag pinagbibidahan ng Perkins twins, kasama ang ibang mga bigating aktor pati na ang Hollywood star na si Stephen Baldwin na pinamagatang “Kaibigan” (3:30pm); susundan ito ng “Jesus His Life: Judas” na bobosesan ni Martin del Rosario (5:00pm); “Suklob” ng CBN Asia tampok si Kristoffer Martin (5:30pm); “Jesus His Life: Pilate” na bibigyang boses ni Paolo Contis (7:00pm); at ang epic biblical drama film na “Son of God” (7:30pm).

Matutunghayan ang kwento ng Hudyong prinsipe noong panahon ni Kristo sa “Ben-Hur” pagpatak ng 10:00pm.

Sa Sabado de Gloria,  ang huling bahagi ng “The Church of Jesus Christ of Latter Day Saints April 2020 General Conference” sa ika-5 ng umaga.

Kasunod nito ang animated na mga palabas gaya ng “Detective Conan” (8:00am); “Ratatouille” (9:00am); “The Princess and the Frog” (10:30am); at “Anastasia” (12:00nn).

Pag-ibig at inspirasyon naman ang handog ng “A Walk to Remember” tampok si Mandy Moore sa ika-1:30 ng hapon.

Pagsapit ng 3:00 ng hapon, abangan ang “Jesus His Life: Mary Magdalene” na bobosesan ni Sanya Lopez at matutunghayan ang kwento ng walang hanggang pagmamahal sa “Moments of Love” na pagbibidahan ni Dingdong Dantes sa ika-3:30 ng hapon.

Susundan ito ng “Jesus His Life: Peter” na bibigyang boses ni Ken Chan (5:00pm) at ang nakapananabik na classic romantic fantasy film na “Ghost” (5:30pm.)

Ang di malilimutang pelikula nina Leonardo di Caprio at Kate Winslet na “Titanic” ay hindi dapat kaligtaan pagsapit ng ika-7:30 ng gabi at susundan ng dalawang dokumentaryo mula sa “I-Witness” pagdating ng ika-11 ng gabi.

 

LIBRENG PELIKULA SA iWANT PATOK, TUMAAS NG 300 PORSYENTO

PATOK naman ang regalong libreng 1,000 pelikula sa iWant ng ABS-CBN dahil triple ang itinaas ng panonood o views nito kung kailan nasa Iwantbahay lang ang mga tao sa Luzon dahil sa enhanced community quarantine.

Mula Marso 15 hanggang 21, ang limang pinaka-pinanood na mga pelikula sa iWant ang “Exes Baggage,” “She’s Dating the Gangster,” “Fantastica,” “Four Sisters and a Wedding,” at “Barcelona: A Love Untold.”

Maging ang original movies at series ng iWant ay nakapagtala rin ng 45% na pagtaas sa bilang ng views sa parehong linggo. Sa mga ito, kumalap ng pinakamaraming views ang “I Am U” ni Julia Barretto, “Fluid” ni Roxanne Barcelo, “Sunday Night Fever” nina Nathalie Hart at Diether Ocampo, “The Tapes” nina Sam Milby at Yassi Pressman, at “Hush.”

Libo-libong users din ang dumagsa sa DZMM Teleradyo sa iWant upang makakuha ng balita kaugnay ang COVID-19.

Habang dumarami ang gumagamit ng iWant, sinuportahan din nito ang panawagan ng gobyerno na tulungang panatilihin ang maayos na internet sa bansa para mas maraming tao ang makinabang.

Binabaan ng iWant ng 33% ang kalidad ng bidyo at tiniyak na hindi maapektuhan ang mga manonood.

“Suportado namin ang panawagan ng National Telecommunications Commission na tiyaking maayos ang internet sa bansa.  Tinitiyak namin ang aming mga viewer na patuloy nilang mae-enjoy ang panonood at hindi mararamdaman ang pagbabagong ito sa patuloy naming paghahatid ng impormasyon at saya sa mga Pilipino,” sabi ng iWant.

Ang iWant ang natatanging streaming service sa bansa na may pinakamalaking koleksyon ng Pinoy video content. Mayroon itong original shows at movies, pelikula, serye, dokumentaryo, live events, at restored versions ng movie classics na maaaring i-stream.

Upang mapanood ang higit 1,000 na mga pelikula nang libre, i-download ang iWant app sa iOs o Android, o kaya mag-log in sa iwant.ph.