THERESE MALVAR AT KYLINE ALCANTARA MAG-LALABAN SA PAG-ARTE AT PAGKANTA

therese and kyline

NAGSIMULA nang mag-taping ang dalawang mahuhusay na young actress na sina showbiz eyeTherese Malvar at Kyline Alcantara ng first teleserye na pagsasamahan nila sa GMA 7, ang “Inagaw Na Bituin.” Kaya naman nag-enjoy sila sa pagre-recording ng theme song ng first team-up nila, ang tele­seryeng “Inagaw Na Bituin” para sa Afternoon Prime ng GMA 7 early 2019.  “Ako’y Isang Bituin” ang title ng song.

Mukhang hindi lamang labanan sa acting ang teleserye na magtatampok din kina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz, kundi sa pagkanta rin, dahil pare-pareho silang mahuhusay kumanta.  Si Direk Mark Reyes daw ang nag-decide na dapat ay silang apat ang kakanta ng mga song na gagamitin sa drama series na papalit sa “My Special Tatay.”

Makakasama rin nila sa serye sina Marvin Agustin, Jackielou Blanco, Gabby Eigenmann at marami pang iba.

ALDEN RICHARDS ‘DI INIWAN ANG LOLO SA FAMILY VACAY SA JAPAN

NASA Japan na ngayon si Pambansang Bae Alden Richards at ang alden richardskanyang family.  Last Tuesday, December 18, maaga siyang nag-Tweet ng: “Officially… bakas­yon na ako!!! Maligayang Pasko!!!”

Tweet back naman ng daddy niya, si Richard Faulkerson Sr: “Baba na diyan. Pirma pirma na ulit boss.” At: “Maghuhugas ka pa ng plato!”

Umalis sina Alden Tuesday evening.  Sa Japan na minabuti ni Alden na roon magbakasyon ang family niya dahil hindi na kaya ng kanyang Lolo Danny ang long flight kung tumuloy silang magbakasyon sa San Francisco. Hindi kasi iiwan ni Alden ang lolo niya, kaya kasama rin nila ang caregiver nito.  Kasama rin ang younger sister niyang si Angel at ang kanyang Nanay/Yaya Virgie.  Naiwan ang sister niyang si Risa dahil may training pa ito para sa McDonalds franchise niya na bubuksan na next year.  Nasa San Francisco naman ang Lola Linda niya.  Magkikita-kita na lamang sila rito sa New Year dahil babalik sina Alden ng Disyembre 28.  Hindi kasi nalilimutan ni Alden ang pangako niya tuwing GMA Network New Year’s Countdown sa SM Mall of Asia ng Disyembre 31.  Enjoy your white Christmas in one of your favorite places, Alden!

PARADE OF STARS PARA SA MMFF SA LINGGO

NAG-ANNOUNCE na si Noel Ferrer, spokesperson ng 2018 Metro star paradeManila Film Festival (MMFF), na sa Sunday, December 23 na ang Parade of Stars na magsisimula sa likod ng Shopwise (Soreeno St.) Parañaque City, tutuntunin nito ang main road at magtatapos sa Diokno-Macapagal Road sa Barangay Baclaran.

Ipinaalaala niya sa mga dadalo at gustong manood ng taunang parade of stars, na ang Sucat Westbound Road ay isasara sa Sunday, simula ng 12:00 noon.

Dadaluhan ito ng magagarang karosa ng bawat isa sa eigth official entries sa MMFF: “Aurora” (Viva Films at Aliud Entertainment), “Fantastica” (ABS-CBN Productions at Viva Films), “Girl in the Orange Dress” (Quantum Films, MJM Productions), “Jack Em Popoy:The Puliscredibles” (CCM Films/MZet Productions/APT Entertainment), “Mary, Marry Me” (Ten17P), “One Great Love” (Regal Entertainment), “OTLUM” (Horseshoe Studios) at “Rainbow’s Sunset” (Heaven’s Best Entertainment Productions).

Comments are closed.