THIRD WAVE NG COVID-19 SA CENTRAL VISAYAS

TINIYAK  ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na biniberipika na ng Department of Health (DOH) ang pahayag ng regional health authorities sa Central Visayas na nakararanas sila ngayon ng ikatlong wave ng COVID-19 infections.

Ayon kay Vergeire, batay sa datos ang Region 7 ay nakapagtala ng two-week case growth rate na -7% at ang average daily attack rate (ADAR) naman nito ay nasa 4.5 cases per 100,000 population.

Sinabi ni Vergeire na kung titingnan ang naturang datos ay mababa pa at hindi nila maaaring ikonsidera bilang ‘high-risk’ sa ngayon.

Ipinaliwanag nito na ang mga regional office ng DOH ay mayroong sarili nilang granular analysis ng COVID-19 data sa kanilang lugar.

“Pag tinignan po natin ‘yan, medyo mababa pa po ‘yan and we cannot consider that as high-risk as of now,” ani Vergeire, sa panayam sa radyo.

“Bunsod lang ito ng kanilang pag-a-analyze ng kanilang datos. Atin pong vine-verify ‘yan pagkaganyan at kung sakaling may kulang pa silang impormasyon na naibigay, isu-supplement po natin ‘yan,” aniya pa.

Tiniyak din ni Vergeire sa publiko na tatalakayin ng DOH ang naturang isyu sa mga health official sa Central Visayas.

Nauna rito, iniulat ng DOH Region 7 na nakararanas sila ngayon ng third wave ng COVID-19 infections sa Central Visayas. Ana Rosario Hernandez

8 thoughts on “THIRD WAVE NG COVID-19 SA CENTRAL VISAYAS”

  1. 527175 970424This internet page is known as a stroll-by for all of the data you wished about this and didnt know who to ask. Glimpse appropriate here, and youll positively discover it. 6023

Comments are closed.