THIRDY INAASINTA NG NLEX

on the spot- pilipino mirror

WALA palang kaalam-alam si Ping Exciminiano ng Alaska na may lumalabas na balitang iti-trade siya ng kanyang mother team. Kausap ko ang misis ng player na si Elga, wala umano silang alam at hindi nila ito malalaman kung ‘di ko pa naitanong sa kanila kung saan mapupunta ang kanyang  husband.

Almost 4 years na rin ang produkto ng FEU Tamaraws  sa Aces. Kapansin-pansin naman na madalang pa sa patak ng ulan kung gamitin si Exciminiano sa koponan. Sayang din naman ang kalibre nito kung mananatiling tagapalakpak lang sa kanyang mga teammate. Saka marami siyang kapuwesto na mukhang mas favorite ni coach Alex Compton.



Iba naman ang sitwasyon ni Rome Dela Rosa na habang tumatagal ay lumalaki ang exposure na nakukuha sa coaching staff ng Alaska. Ano pa ang hahanapin kay Dela Rosa,  matapang, may depensa, may shooting na maasahan ng kanyang teammates. Kaya nga babad ito kay coach Alex. Hindi nagpapahuli sa mga ka-position niya. Kaya  malayo ang mararating ni Rome sa PBA. Ayon nga sa player, lagi siyang handa every time na hinuhugot siya ni coach Compton. “I want kasi to play more, more years to PBA. And I need more to achieve for my career,” aniya. Sa mga hindi nakaaalam,  si Rome ay anak ni ex-PBA player Romy Dela Rosa, at tito rin niya si Ruben Dela Rosa. Sa ngayon, ang nakababatang kapatid na si Rye Dela Rosa ay naglalaro sa JRU sa NCAA. Sa tagumpay ng mga bata ay happy sina Romy at April Dela Rosa. Congrats.



Ngayon pa lamang ay marami na ang excited sa 2019 PBA Annual Draft na posibleng maganap sa November. Target ng NLEX Road Warriors na makuha si Thirdy Ravena, nakababatang kapatid ni Kiefer Ravena, na kasama sa drafting this year.  Bibihira na magkasama sa isang team ang magkapatid. Natatandaan ko lang ang tandem ng magkapatid na Chito at Joey Loyzaga sa kampo ng Ginebra. Nang pumasok naman sa PBA ang magkapatid na Jeric at Jeron Teng ay hindi naman sila nagkasama. Naunang sumampa sa professional league si Jeric. After 2 years, saka pumasok ng PBA si Jeron.

Naglaro siya sa Rain or Shine, then nalipat sa Columbian Dyip. After his contract sa huling team ay wala na siyang team sa PBA kaya napunta ito MPBL, sa Pasig team ni team owner Buddy Encarnado. Nanatili naman sa PBA si Jeron sa kampo ng Alaska Aces.

Kung sabay na magpapa-draft ang magkapatid na kambal na sina Matt at Mike Nieto, magandang usapan ‘yan na dahil kapwa sila mahusay. Abangan na lang natin.

Last playing years nina Thirdy Ravena, Matt at Mike Nieto, at Isaac Go sa 2019 UAAP  na magbubukas sa September 1, pero ang laro ay sa September 4 pa. Basta, sana umabot si Thirdy sa Road Warriors, ‘di ba, sir Ronald Dulatre?