NAKAKATUWA ang mga PBA player, animo ay magsisipagbakasyon. Kulang na lang ay dalhin ang buong pamilya nila sa ‘bubble’. Napakaraming dalang gamit, ultimo panluto, rice cooker, etc. ay dala dala nila.
Sa kauwarto nina Beau Belga at Ryan Arana na ay tila may sari-sari store na maraming nakasabit na paninda. Unang customer ng dalawa si James Yap na kunwari ay bibili ng shampoo. Sa ilang piraso ng shampoo, ang halagang ipinababayad ni Belga kay Yap ay P250. Napakamahal, siyempre nasa Clark sila kaya ginto ang presyo.
Mukhang hindi naman maiinip ang mga player sa Clark, Pampanga habang naghihintay ng laro na magsisisumla sa October 11. Halos lahat yata ng players ay magba-vlog at ikukuwento ang mga nagaganap sa loob ng kanilang rooms at practices. Kabilang dito sina Paul Lee, Scottie Thompson at Joe de Vance. Kanya-kanya silang pagalingan sa pagba-vlog. Good luck sa inyong lahat!
o0o
Hindi pa pala nakakaalis ng bansa itong si Thirdy Ravena para maglaro sa Japan League. Medyo na- delay kasi ang kanyang visa na inaayos pa ng kanyang team. Nagsimula na ang liga at nakapaglaro na ang koponan ni Ravena, ang Neo Sun Phoenix, kaso nga nandito pa siya sa Pinas. Kung makakaalis si Thirdy sa 2nd week ng October, kailangan pa niyang mag-quarantine tulad ng protocols dito sa ating bansa. Kayang- kaya pa namang humabol sa liga ng dating star player ng Ateneo Blue Eagles. Kung excited si Thirdy, mas excited ang kanyang pami-lya.
o0o
Niyanig ng 4.7 magnitude na lindol ang Clark, Pampanga kamakalawa ng gabi kung saan ang PBA teams ay nasa Quest Hotel. Oks lang na-man ang mga player na walang nasaktan. Medyo kinabahan nga lang, siyempre, ang lahat dahil sa pagyanig.
Hindi pala nakasama sa grupo ng Brgy Ginebra ang dalawang star players nito na sina Japeth Aguilar at L. A Tenorio. Malamang ang dahilan ni Tenorio ay kapapanganak lang ng kanyang asawa. Habang si Aguilar naman ay medyo nagpa-late lang. Nangako naman ang dalawa na susunod sila. Ang tanong lang, makapaglaro kaya sila sa first game nila kontra sister team SMB?
o0o
Abangan natin ang pagbabalik ni June Mar Fajardo na nakakarekober na sa kanyang injury. Malamang sa next season ay makabalik na si Fafardo para sa San Miguel Beer. Malaki ang magiging pakinabang ng Beermen kay JunMar lalo na ang national team, ang sa Gilas Pilipinas.
Comments are closed.