THIRDY PALALAKASIN ANG GILAS SA FEBRUARY QUALIFIERS

MAKAKAKUHA ang Gilas Pilipinas ng kinakailangang suporta sa February window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa paglalaro ni Thirdy Ravena para sa nationals.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio, palalakasin ni Ravena ang national team sa pagsagupa nito sa South Korea ng dalawang beses at sa New Zealand at India simula sa February 24.

“Yes, he arrived yesterday,” wika ni Panlilio nang tanungin sa paglalaro ni Ravena para sa Gilas.

Ang 25-anyos na si  Ravena ay kasalukuyang naglalaro bilang import para sa San-en NeoPhoenix sa Japan B. League, subalit  ang kanyang koponan ay sa February 26 pa lalaro laban sa kanyang kapatid na si  Kiefer at sa Shiga Lakestars.

Sa lalong madaling panahon ay sasamahan ni Ravena ang koponan sa pag-eensayo sa Moro lorenzo Gym.

Sisimulan ng Pilipinas ang kampanya nito kontra South Korea sa February 24 bago harapin ang India at  New Zealand sa February 25 and 27, ayon sa pagkakasunod. Tatapusin ng Gilas Pilipinas ang window sa muling pagsasupa sa Korea sa 28th.