THIRDY SA B. LEAGUE ALL-STAR GAME

Thirdy Ravena

PASOK si Thirdy Ravena sa B.League’s All-Star Game, ayon sa kanyang koponan na San-En NeoPhoenix.

Si Ravena, nakapaglaro na ng pitong games sa Japan, ay kabilang sa mga  player na napili  via “B.League recommendation.” Siya ang nag-iisang player mula sa from NeoPhoenix na nakasama sa  All-Star teams.

Idaraos ng B.League ang All-Star Weekend sa January 15-16 sa Adastria Mito Arena sa Mito sa Ibaraki Prefecture.

Maglalaro si Ravena para sa Team B.White, na gagabayan ni Kenji Sato ng Kawasaki. Makakasama niya sa koponan si naturalized Japanese player Nick Fazekas, na napiling All-Star sa ika-5 sunod na  season.

Si Ravena ay may average na 9.3 points at 4.0 rebounds para sa NeoPhoenix, na may 4-17 record sa  B.League.

Comments are closed.