THIRDY SASABAK NA SA JAPAN B-LEAGUE

Thirdy Ravena

NAKAHANDA na si dating Ateneo star Thirdy Ravena na palakasin ang San-En NeoPhoenix sa Japan B-League kung saan sinamahan niya ang kanyang koponan sa ensayo sa unang pagkakataon noong Sabado.

Kinailangan ni Ravena na tapusin ang 14-day quarantine period sa kanyang pagdating sa Japan at nakapagsimula lamang makapag-ensayo kamakalawa.

Bagaman na-late para samahan ang kanyang koponan, si Ravena ay agad na nakipag-bonding sa kanyang teammates sa selebrasyon ng kaarawan ng kapwa import na si Kyle Hunt.

Maglalaro si Ravena para sa NeoPhoenix sa unang pagkakataon sa Nob. 7, sa pagsagupa nila sa Shimane Susanoo Magic sa road game.

Ang San-En ay nanalo ng isang beses lamang sa unang 10 games nito, sa pamamagitan ng 94-75 pagdispatsa sa  Kyoto noong nakaraang linggo.

Si Ravena ay nagkaroon ng pagkakataon na maglaro para sa NeoPhoenix via B.League’s Asian Player Quotas, na ipinatupad sa unang pagka-kataon ngayong season. Siya ang unang Pinoy na naglaro sa liga.

Comments are closed.