THOMPSON-ROMEO TRADE KASADO NA?

NASA Cebu City pa rin si NorthPort player Robert Bolick. Mukhang sinusulit nito ang kanyang bakasyon kasama ang bagong girlfriend.

Wala yata siyang planong mag-comment sa hiwalayan nila ng kanyang long-time girlfriend na si volleyball player Aby Maraño, na nagdurugo ang puso’t ipinagpalit siya ng basketball player sa Isang fligth attendant.

Sana naman ay ayusin ng  basketbolista ang kanilang problema.

Ang fans ng dalawa ay umaasa na tampuhan lang ang nangyayari kina Aby at Bolick na puwede pang maayos.  Sayang naman ang walong taon na kanilang pinagsamahan. Kung tutuusin ay kasal na lang ang kulang sa dalawa.

Ang isa pang malaking katanungan ngayon kay Bolick ay kung iiwanan na ba nito ang PBA at ang kanyang team na Batang Pier.  Si Bolick ay maglalaro sa Japan B.League, true kaya na papaalis na siya ng Pinas? Abangan natin ang paglalaro niya sa B. League.

vvv

Bagaman natalo ang team ni Kiefer Ravena ,ang Shiga Lakestars, sa Avark Tokyo ay matindi  ang ipinakitang depensa  niya sa player ng Tokyo kung saan natumba ito matapos maagawan  ni Ravena ng bola.

Natalo man ang Shiga  sa Tokyo, ipinakita ng Pinoy player ang kanyang bangis sa depensa. Lalo pang hinangaan si Kiefer ng kanyang coach at teammates.

vvv

Nakalulungkot isipin kung may  katotohanan ang aming tsika na kasado na ang trade ni Scottie Thompson sa San Miguel Beer at ang kapalit ay si Terrence Romeo.

Walang lugi ang parehong team dahil kapwa de kalibre ang  dalawa. Ngunit paano ‘yung sinasabi ni coach Tim Cone na habang siya ang coach ng Ginebra ay ‘di puwedeng magalaw si Thompson. Ayaw na niyang maulit  ‘yung naganap na trade kay Greg Slaughter noon. Paano siya makatatanggi kung ang management mismo ang may kagustuhan sa trade.