NAKOPO ng Letran ang ikatlong sunod na korona makaraang pataubin ang College of Saint Benilde, 8167, sa NCAA men’s basketball tournamentletra kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Nalusutan ang pagkawala ni suspended guard Fran Yu, namayani ang Knights sa highly-physical best-of-three series, 2-1, upang masikwat ang kanilang unang threepeat magmula noong 1982-84 season.
Ang kampeonato ay ika20 ng Letran sa kabuuan at lumapit sa all-time best 22 ng San Beda. Naging pisikal ang series hanggang sa huli kung saan napatalsik si Blazers’ ace Will Gozum sa 1:44 mark matapos ang disqualifying foul kay Pao Javillonar.
Isa itong frustrating ending sa MVP season ni Gozum, na nakita sa replays na nag-headbutt kay Javillonar at hinamon pa ng suntukan ang Knights forward sa labas ng venue bago umalis sa court.
Kinailangan ng Letran ng malakas na second period para makalayo sa Benilde.
Sa likod ni Louie Sangalang, ang Knights ay bumanat ng 19-2 run upang itarak ang 51-28 bentahe sa huling bahagi ng second quarter.
Lumapit ang Blazers sa 42-54 sa third quarter, sa pagsasanib-puwersa nina Gozum, Miggy Corteza, Mark Sangco at Migs Oczon.
Ngunit muling pinalobo ng Letran ang kalamangan sa 70-54 papasok sa final period at hindi na lumingon pa.
Itinanghal si King Caralipio bilang Finals MVP makaraang pangunahan ang Knights na may 20 points, 10 rebounds at 2 assists.
Nagdagdag si Brent Paraiso ng 16 points, 3 boards, 2 blocks at 2 assists habang nag-ambag si rookie Kobe Monje ng 11 points, 4 rebounds at 3 assists.
Nagbida si Corteza para sa Benilde na may 14 points, 7 boards at 2 steals habang nagdagdag si Jimboy Pasturan ng 10 points. Gumawa rin si Gozum ang 10 points bago ang kanyang ejection.
Iskor:
Letran (81) — Caralipio 20, Paraiso 16, Monje 11, Reyson 8, Sangalang 8, Santos 7, Olivario 4, Go 4, Guarino 2, Javillonar 1, Tolentino 0, Bojorcelo 0.
Benilde (67) — Corteza 14, Pasturan 10, Gozum 10, Oczon 9, Sangco 6, Nayve 6, Flores 5, Marcos 3, Cullar 2, Carlos 2, Davis 0.
QS: 24-21, 51-33, 70-54, 81-67.