(Thru int’l film festivals) FDCP KINILALA ANG MGA ARTISTA NA NAG-BIGAY KARANGALAN SA BANSA

Ambassador’s Night

EARLY bird sa ginanap na Ambassador’s Night ng Film Academy of the Philippinesreflection ang veteran actors na awardees last night. Kabilang na sina Dante Riveto, Bembol Roco, Soliman Cruz at Robert Sena. Magkasama namang nagpapik­tyur sa red carpet so FDCP Chair Liza Diño at si Sec. Salvador Panelo.

Ang ginanap na Ambassador’s Night ang ika-apat na taon na pagkilala ng FDCP sa mga natata­nging pelikula at indibiduwal na nagbigay karangalan sa Filipinas from different international film festivals. “Itong fourth year, kahit may NCoV scare nandito pa rin tayong lahat,” sabay tawa ni Chair Liza.

Looking forward daw siya sa kinabukasan ng Philippine cinema. “Nakatutuwa kasi we are very, very young and marami rin tayong acting awards this year. Kasi, last year, namayagpag ang mga actor. Normally ‘yan, puro films ‘yan, directors. But now even our creating a name for themselves and getting this recognition.”

Marami raw plans ang FDCP this year. Kabilang na ang Pista ng Pelikulang Pilipino, international festivals, policies, working on intellectual properties, etc.

Nagkita na raw ulit sila ni Vivian. Pero walang ma-comment sa amin si Chair Liza when asked kung kumusta ang huling pagkikita nila ni VV. At pagkatapos, tumawa na lang nang pagkatamis-tamis sa amin si Chair Liza.

Anyway, 16 ang mga artistang binigyan ng award ng FDCP sa kanilang Ambassador’s Night. Kabilang sa awardees sina AiAi delas Alas, Judy Ann Santos, Ogie Alcasid, Dante Rivero, Angeli Bayani, Ina Raymundo at Maja Salvador. Dalawa sa nasa listahan ang yumao na, sina Eddie Garcia at  Tony Mabesa. Habang indisposed naman ang isa pang awardee, ang ultimate movie queen na si Gloria Romero.

‘KADENANG GINTO’ NAG-TRENDING ANG FINALE

MAY hang-over pa rin ang maraming Kapamilya viewers sa finale ng paborito nilang pang-hapong teleserye sa ABS-CBN, ang “Kadenang Ginto.”

Hanggang ending, hindi binitawan ng viewers ang paborito nilang serye sa Kapamilya Gold. No wonder nag-trending ang finale week ng teleserye. Nakakuha ng national TV rating na 26.6% last February 7 (Friday) versus Prima Donna’s 17.2%.

Samantala, pumirma ng exclusive contract sina Ivana Alawi, Tony Lab­rusca and Donny Pangilinan sa ABS-CBN recently.

Dream come true para kay Ivana ang pagiging official Kapamilya star niya. Nais naman matupad ni Donny ang dream niya na maging action star gaya ng kanyang lolo, ang nakilala bilang si Agent X44 na si Tony Ferrer.

Comments are closed.