THUNDER MINASAKER NG BLAZERS

thunder vs blazers

NAGBUHOS si CJ McCollum ng 20 points sa loob lamang ng 26 minuto nang durugin ng Portland Trail Blazers ang bisitang Oklahoma City Thunder, 133-85, noong Sabado ng gabi.

Nagdagdag si Damian Lillard ng 16 points para sa Trail Blazers na umabante ng hanggang 52 points at nagwagi sa ika-8 pagkakataon sa nakalipas na 11 laro. Ito na ang pinakamalaking margin of victory ng Portland ngayong season.

Umiskor si Anfernee Simons ng 16 points, at nag-ambag sina Norman Powell ng 15 points at Enes Kanter ng 12 points at 17 rebounds para sa Trail Blazers, na pinalobo ang kalamangan sa pamamagitan ng 23-1 spurt sa third quarter.

Tumipa si Kenrich Williams ng 18 points at nagtala si fellow reserve Tony Bradley ng 14 points at 8 rebounds para sa Oklahoma City, na nalasap ang ika-5 pagkabigo sa huling anim na laro.

Nagdagdag sina Darius Miller ng 11 points at Moses Brown ng 10 points at 14 rebounds.

JAZZ 137,

MAGIC 91

Umiskor si Donovan Mitchell ng 22 points at pinangunahan ang 3-point barrage  ng Utah Jazz sa 137-91 panalo kontra kulang sa taong Orlando Magic.

Tumipa sina Joe Ingles at  Bojan Bogdanovic ng tig-17 points, habang nagbigay si Jordan Clarkson ng 15 mula sa bench para sa Jazz na nanalo ng siyam na sunod sa overall at ika-22 sunod sa home.

Nagposte ang Utah ng NBA record na 18 3-pointers sa first half, kung saan nahigitan nito ang 2018 Golden State Warriors (17).

Tumapos ang Jazz na may 26 of 55 mula sa 3-point range, kabilang ang multiple ni Mitchell (6-7), Ingles (5-7), Bogdanovic (4-6), Clarkson (3-6), tig-2 mula kina Georges Niang at  Ersan Ilyasova, at tig-iisa mula kina Royce O’Neale, Jarell Brantley, Miye Oni at Matt Thomas.

Sa iba pang laro, naungusan ng Milwaukee Bucks ang Sacramento Kings, 129-128; ginapi ng Indiana Pacers ang San Antonio Spurs, 139-133; dinispatsa ng Dallas Mavericks ang Washington Wizards, 109-87; pinulbos ng New York Knicks ang Detroit Pistons, 125-81; namayani ang Miami Heat kontra Cleveland Cavaliers, 115-101; at pinaamo ng Philadelphia 76ers ang Minnesota Timberwolves, 122-113.

15 thoughts on “THUNDER MINASAKER NG BLAZERS”

  1. Pretty nice post. I just stumbled upon your weblog and wanted to mention that I have truly loved
    surfing around your blog posts. After all I will be subscribing to your rss feed and I’m hoping you write again very soon!

  2. Can I show my graceful appreciation and reach out really good stuff and if you want to have a checkout?
    Let me tell you a quick info about how to find cute girls for free you know where to follow right?

  3. What’s Happening i’m new to this, I stumbled upon this I’ve found It positively useful and it has aided me out loads.

    I hope to contribute & help other customers like its helped me.
    Great job.

  4. Hi! This is my 1st comment here so I just wanted to give a quick shout out and tell you I genuinely enjoy reading your posts.
    Can you recommend any other blogs/websites/forums that go over the same subjects?
    Many thanks!

Comments are closed.