TIGERS SINIBAK ANG BULLDOGS

Ust

Mga laro ngayon:

(Ynares Center)

2 p.m. – Ateneo vs UE (Men)

4 p.m. – UP vs AdU (Men)

ANTIPOLO – Sinibak ng University of Santo Tomas ang National University sa ‘Final Four’ picture sa pamamagitan ng 88-76 panalo sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Ynares Center dito.

Sa ikalawang sunod na laro ay kuminang si sophomore CJ Cansino at sumandal din ang Growling Tigers sa pagbabalik ni first-year forward Rhenz Abando matapos ang kontrobersiyal na benching sa naunang laro.

Ang panalo, ang ika-7 sa 12 laro, ay nagpalakas sa tsansa ng UST na makapasok sa semifinals, habang nanatiling nakadikit sa University of the Philippines (6-4) sa karera para sa nalalabing twice-to-beat bonus.

Giniba ng Far Eastern University ang La Salle, 81-60, upang kunin ang solo fourth place na may 6-6 kartada. Nasibak ang Green Archers sa top four range sa kanilang ika-6 na pagkatalo sa 11 laro.

Balik ang kumpiyansa, naitala ni Cansino ang 10 sa kanyang 15 points sa first half, at kumalawit ng 5 rebounds, nagbigay ng 3 assists at gumawa ng 3 steals.

Iskor:

Unang laro:

UST (88) – Chabi Yo 16, Cansino 15, Subido 14, Nonoy 12, Abando 9, Ando 8, Bataller 3, Concepcion 3, Cuajao 3, Paraiso 3, Huang 2.

NU (76) – D. Ildefonso 27, S. Ildefonso 15, Clemente 10, Gaye 6, Rangel 4, Joson 3, Minerva 3, Oczon 3, Malonzo 2, Mosqueda 2, Gallego 1.

QS: 17-18, 38-30, 65-56, 88-76

Ikalawang laro:

FEU (81) – Gonzales 14, Tuffin 14, Comboy 12, Torres 11, Tchuente 8, Stockton 7, Eboña 6, Cani 5, Alforque 2, Tempra 2.

DLSU (60) – Baltazar 16, Malonzo 13, Serrano 9, Melecio 7, Caracut 5, Manuel 3, Bartlett 2, Cu 2, Lim 2, Escandor 1.

QS: 27-11, 40-29, 57-42, 81-60

Comments are closed.