Laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
4 p.m. – UST vs FEU (Men Step-ladder)
SIMULA na ngayon ang mahabang paglalakbay ng University of Santo Tomas at Far Eastern University para makapasok sa UAAP men’s basketball championship.
Magsasagupa ang Growling Tigers at Tamaraws, nagharap sa Finals, apat na taon na ang nakalilipas, sa ‘no-tomorrow’ match sa unang bahagi ng step-ladder semifinals sa alas-4 ng hapon sa Araneta Coliseum.
Hinihintay ng University of the Philippines, nagtapos sa No. 2 sa elimination round, ang magwawagi sa UST-FEU match. Tangan ng Fighting Maroons ang twice-to-beat advantage sa ikalawang step-ladder round.
Dumiretso ang three-peat seeking Ateneo sa best-of-three Finals makaraang makumpleto ang 14-game sweep sa elimination round.
Nakalagpas sa elimination round sa unang pagkakataon magmula nang matalo sa FEU sa 2015 championship series, umaasa ang UST na makalulusot sa step-ladder semifinals.
“Mababa lang naman expectation namin. Sabi ko noong (pre-season) press con, may nag-interview sa akin kung ano goal namin for this season. We won five games last season so kung manalo kami ng anim that’s an accomplishment already,” wiika ni Aldin Ayo, nasa kanyang ikala-wang taon sa Tigers.
“At least ‘di ba, may improvement because you’re talking about a young program here. Since we won eight, may tatlong naidagdag, ok na ‘yun but of course we’re not gonna stop there because this is a competition. We’re going to strive,” dagdag pa niya.
Ang Tamaraws, na tinapos din ang elims na may walong panalo, ay nasa semifinals sa ika-7 sunod na season.
Na-split ng Tigers at Tamaraws ang kanilang elimination round head-to-head ngayong season. Nagwagi ang UST sa first round, 82-74, bago rumesbak ang FEU sa kanilang ikalawang paghaharap, 72-58, na kauna-unahang panalo ni coach Olsen Racela laban kay Ayo.
Comments are closed.