TIGERS UMAKYAT SA NO. 3

UST

Mga laro sa Sabado:

(Ynares Center)

2 p.m. – UST vs NU (Men)

4 p.m. – FEU vs DLSU (Men)

NAPANTAYAN ng University of Santo Tomas ang team record para sa pinakamaraming three-pointers sa 84-78 panalo laban sa University of the Philippines upang uma­ngat sa ikatlong puwesto sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena.

Naipasok nina Brent Paraiso at Renzo Subido ang dagger triples sa huling 53 segundo ng laro upang tulungan ang Growling Tigers na umangat sa 6-5 rekord.

Nag-init ang Ateneo, naghabol ng double-digits sa unang pagkakataon ngayong season, sa second half upang gapiin ang Far Eastern University, 65-55, at palawigin ang kanilang undefeated streak sa 11 games.

Nauna rito, naiganti ng La Salle ang first round loss sa University of the East sa pamamagitan ng 65-59 panalo para sa  5-5 kartada sa ika-4 na puwesto.

Nabigong bigyan si coach Bo Perasol ng triumphant return, bumagsak ang UP sa 6-4, kalahating laro ang angat sa UST sa karera para sa ikalawang twice-to-beat bonus sa semifinals.

Iskor:

Unang laro:

DLSU (65) – Baltazar 23, Malonzo 12, Serrano 12, Bates 9, Melecio 4, Manuel 3, Caracut 2, Cagulangan 0, Cu 0, Lim 0.

UE (59) – Suerte 17, Manalang 14, Diakhite 11, Conner 9, Mendoza 7, Apacible 1, Antiporda 0, Beltran 0, Camacho 0, Cruz 0, Pagsanjan 0, Tolentino 0.

QS: 14-13, 26-28, 42-46, 65-59

Ikalawang laro:

Ateneo (65) – Kouame 10, Ravena 10, Maagdenberg 9, Navarro 8, Wong 8, Belangel 5, Daves 4, Ma. Nieto 4, Mamuyac 3, Go 2, Mi. Nieto 2, Andrade 0, Tio 0.

FEU (55) – Gonzales 12, Bienes 8, Comboy 8, Tuffin 6, Cani 4, Eboña 4, Stockton 4, Tchuente 4, Torres 3, Alforque 2.

QS: 15-18, 29-40, 46-47, 65-55

Ikatlong laro:

UST (84) – Concepcion 16, Chabi Yo 14, Subido 13, Cansino 12, Huang 9, Ando 7, Nonoy 7, Paraiso 6, Bataller 0, Bordeos 0, Cuajao 0.

UP (78) – Paras 18, Manzo 12, Rivero 12, Gomez de Liaño Ja. 11, Akhuetie 10, Gomez de Liaño Ju. 5,  Mantilla 3, Murrell 3, Prado 2, Webb 2, Jaboneta 0, Spencer 0, Tungcab 0.

QS: 23-22, 48-41, 60-57, 84-78

Comments are closed.