TIGERS VS EAGLES SA FINALS

Tigers vs Eagles

Mga laro sa Sabado:

(Smart Araneta Coliseum)

12 noon – FEU vs UST (Women Step-ladder)

4 p.m. – Ateneo vs UST (Men Finals)

MULA sa one-win team, dalawang taon na ang nakalilipas, nakumpleto ng University of Santo Tomas ang mabilis na turnaround upang makabalik sa Finals.

Naisalpak ni Renzo Subido ang isang booming triple sa huling 23.6 segundo ng laro nang sibakin ng Tigers ang University of the Philippines, 68-65, at kunin ang nalalabing championship berth sa UAAP men’s basketball tournament sa harap ng 18,548 fans kagabi sa Mall of Asia Arena.

Nalusutan ang tatlong step-ladder matches bilang fourth-ranked team, makakasagupa ng UST ang undefeated Ateneo sa Finals.

“Grabe ang trinabaho namin,” wika ni coach Aldin Ayo makaraang makabalik ang Tigers sa title round sa unang pagkakataon magmula noong 2015.

Ang best-of-three title series ay magsisimula sa Sabado, alas-4 ng hapon, sa Smart Araneta Coliseum.

Sa kanyang ikalawang taon sa UST, mabilis na naibalik ni Ayo ang España-based school sa pagiging isa sa elite teams makaraan ang nakadidismayang 1-13 season noong 2017.

“We are grateful that we reached this far. It’s all about passion sa laro. I love what I’m doing,” ani Ayo. “We just keep on working hard.”

Muling nanguna si soon-to-be crowned MVP Soulemane Chabi Yo para sa Tigers na may 22 points at 16 rebounds, habang nagdagdag si Subido ng 14 points, 4 at 2 assists.

Masakit ang pagkatalo para sa Fighting Maroons, na nakatikim ng kalama­ngan sa step-ladder semifinals sa kalagitnaan ng payoff period subalit kumulapso sa endgame.

Iskor:

UST (68) – Chabi Yo 22, Subido 14, Nonoy 12, Abando 11, Ando 3, Cansino 2, Concepcion 2, Paraiso 2, Bataller 0, Huang 0.

UP (65) – Akhuetie 16, Manzo 12, Rivero 12, Ju. Gomez de Liaño 8, Paras 8, Spencer 3, Ja. Gomez de Liaño 2, Prado 2, Webb 2, Murrell 0, Tungcab 0.

QS: 18-6, 29-28, 49-44, 68-65

Comments are closed.