TINATAMAD LUMABAS NG BAHAY?

kasama ang pamilya

Tips para maipagdiwang ang holiday kasama ang pamilya

(ni CT SARIGUMBA)

SA TINDI pa lang ng traffic na kinahaharap natin sa tuwing lalabas tayo ng bahay para magtungo sa opisina o mall, hindi na maiwasan ang pag-init ng ating mga ulo. Magpigil man tayo ngunit sadya nga yatang nang-iinis ang pagkakataon at lalo tayong inaasar. Kumbaga, umalis ka man ng maaga ay mata-traffic ka pa rin. Puwede ka pa ring ma-late sa iyong pupuntahan.

Ano mang oras o araw, walang pinipili ang traffic. Talaga nga yatang hindi kayang solusyunan ang matagal nang problema ng bansa.

Dahil din sa matinding traffic, maraming panahon at oras ang nasasayang.

Kaya tuloy marami sa atin ngayon ang imbes na lumabas o magtungo sa mall, mas pinipili na lang ang mag-stay sa bahay at doon ipagdiwang ang holiday kasama ang mga mahal sa buhay.

At dahil paniguradong marami ang tatamaring lumabas at ang nais na lang ay mag-stay sa bahay ngayong holiday, narito ang ilang tips nang maging kasiya-siya ang inyong gagawing bonding:

MAG-PARTY SA BAHAY

Isa sa mainam gawin ay pagpaplano ng party sa bahay.  Maaari kayong magluto o magpa-deliver ng pagkain. Puwede rin namang bumili kayo ng alak nang may mainom habang nagkukuwentuhan o nagtatawanan.

Hindi lang naman sa bar o kaya sa restaurant tayo maaaring makapagsaya.

Dahil kahit na hindi tayo umalis ng bahay, makapag-e-enjoy pa rin tayo ng sobra lalo’t nasa tabi natin ang ating mga mahal sa buhay.

MANOOD NG KINAHUHUMALINGANG PALABAS

Swak din naman ang pagmo-movie marathon kapag ganitong mga panahon. Marami nga naman sa atin ang walang panahong manood ng sine dahil na rin sa rami ng kailangang tapusing trabaho.

Kaya’t ngayong holiday ay maaari nating gamitin ang pagkakataon upang makapagpahinga tayo at mapanood natin ang mga palabas na kinahuhuma-lingan.

Mas magiging masaya rin ang panonood kung kasama natin ang ating mahal sa buhay.

MAGLARO NG BOARD GAMES

Mainam din naman ang paglalaro ng board games kung kayo ang klase ng taong naghahanap ng excitement.

Kumbaga, sa paglalaro ng board games ay mapaiisip kang mabuti. Mas magiging katangi-tangi rin ang paglalaro ng board games kung may pica-pica o nakahandang pagkaing swak pagsaluhan ng pamilya.

PAMILYA-2PAG-USAPAN ANG PLANO SA PANIBAGONG TAON

Magandang pagkakataon din ang pagsapit ng Pasko upang makapagkuwentuhang mabuti ang bawat mi­yembro ng pamilya.

Marami sa atin na sabihin mang magkakasama o nakatira sa iisang bahay pero hindi naman masyadong nagkakausap lalo na kung iba-iba ang ske-dyul sa trabaho.  Kumbaga, nagkikitaan nga pero hindi naman nakapaglalaan ng panahong makapag-usap.

Ngayong holiday, mainam na gamitin ang naturang pagkakataon upang makapag-usap-usap ang bawat mi­yembro ng pamilya. Kumbaga, ang natur-ang okasyon ang magiging daan upang magung updated kayo sa nangyayari sa inyong kapamilya.

Maaari rin ninyong pag-usapan o ibahagi sa isa’t isa ang mga pinaplano ninyong gawin sa darating na taon.

Para nga naman maramdaman ang holiday, hindi naman natin kailangang magtungo pa sa ibang lugar nang ma­sabing nakapag-bonding kayo ng mahal mo sa buhay. Kahit sa bahay lang ay magagawa pa rin na­ting mag-enjoy.

Kaya naman, happy holidays sa lahat. Piliin nating mag-enjoy at mag-relax kasama ang mga taong mahalaga sa ating puso. Sikapin din nating ma-tanggal sa ­ating sistema ang hinanakit, galit o lungkot nang sa pagsapit ng panibagong taon, handa tayong makipagsabayan. (photos mula sa google)