NANANATILING ligtas sa avian influenza o bird flu ang Filipinas.
Ito ang tiniyak ng Bureau of Animal Industry (BAI) makaraang iulat ang unang kumpirmadong kaso ng H10N3 na strain ng avian influenza sa tao sa China nitong Martes.
Batay sa report, ang naturang strain ay low pathogenic, na ibig sabihin ay mababa ang posibilidad na kumalat sa mga tao.
Sa kabila nito, sinabi ni Dr. Reildrin Morales, director ng BAI, na dapat pa ring mag-ingat.
Ani Morales, puwedeng makapasok ang sakit ng mga manok sa bansa sa pamamagitan ng migratory birds, o mga produkto na galing sa mga bansang may kaso ng bird flu.
Kaya nanawagan siya sa mga uuwi sa bansa na huwag magdala ng mga produktong galing sa mga bansang may kaso ng bird flu.
“Iwasan natin ‘yung pagdala ng mga produkto galing sa mga bansa na ito na maaaring magdala ng sakit dito sa ating bansa. Maaari pong sasabihin ng ating mga kababayan na ‘di naman natin alam itong mga bansa, itong mga produkto na ito na ibinabawal. Sa international ports ay may mga signages naman at maaaring itanong sa mga quarantine, i-declare natin ‘yung mga dala-dala natin na mga goods.”
Nagbabala siya na mapipinsala ang local poultry industry sa sandaling makapasok sa bansa ang sakit tulad ng nangyari sa hog industry nang manalasa ang African swine fever (ASF).
793880 624063I want seeking at and I believe this site got some really beneficial stuff on it! . 104779