TINIYAK ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na may pera ang Filipinas upang ipambili ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sakaling magkaroon na nito sa merkado.
Ayon kay BSP Governor Ben Diokno, hindi kailangang magbenta ng ari-arian ang bansa para may maipambili ng bakuna.
Aniya, posibleng nagbibiro lamang ang Pangulo nang banggitin niya ang hinggil sa pagbebenta ng ari-arian para magkaroon ng pondo sa bakuna.
Matatandaan na maging si Presidential Spokesman Harry Roque ay nauna nang nagpahayag na magbebenta ang gobyerno ng ari-arian para ipambili ng bakuna dahil buhay muna bago ari-arian ang posisyon ng Pangulo. DWIZ 882
Comments are closed.