(Tiniyak ng BSP sa holiday season)SUPLAY NG PERANG PAPEL, BARYA SAPAT

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

SAPAT ang suplay ng mga bagong banknotes o perang papel at barya sa bansa sa gitna ng pagtaas sa currency demand sa gitna ng holiday season, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sinabi ng BSP na ang demand para sa bagong banknotes ay tumataas tuwing Christmas season dahil ang mga Pinoy ay tradisyunal na nagbibigay ng pera bilang regalo o aginaldo sa kanilang mga pamilya at kaibigan.

Batay sa historical bank withdrawal data mula October hanggang December 20192021, sinabi ng BSP na ang pagtaas sa currency demand ay nagsisimula ng Oktubre at nagpapatuloy hanggang Disyembre ng bawat taon.

with the highest demand during this period are the 1000-, 100-, and 50-Piso banknotes; and 20-Piso, 1-Piso, and 25-Sentimo coins,” ayon sa central bank.

Bilang bahagi ng pagsisikap na recirculation ng fit currency, pinapayuhan ng BSP ang publiko na may hawak na unfit banknotes at coins na ipalit ito sa bagong salapi sa kanilang depository banks nang walang karagdagang charge.

Ang unfit banknotes ay marumi, may mantsa, hindi malinaw ang mga sulat, at may kupas na letra habang ang mga hindi angkop na barya ay may mga marka at palatandaan ng corrosion.

Hinikayat din ng BSP ang publiko na regular na gamitin ang mga barya sa pagbabayad para sa mga produkto at serbisyo.