HINDI na babalik sa P700 ang presyo ng kada kilo ng sibuyas,, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa panayam ng Teleradyo, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Rex Estoperez na hindi na mangyayari ang sobrang pagmahal ng sibuyas, tulad ng nangyari noong nakaraang holiday season dahil may mga stock pa ng sibuyas sa mga cold storage.
“Hindi na babalik ‘yon kasi kung talagang puwersahan na, let’s open the warehouses kasi it’s emergency already na ganoon ang presyo ulit,” sabi ni Estoperez.
Ginawa ni Estoperez ang pahayag sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng sibuyas.
Nauna nang sinabi ng DA na pinag-aaralan nila ang pag-angkat ng 22,000 metric tons ng sibuyas para makontrol ang suplay at presyo.