SINIGURO ng Department of Agriculture (DA) na magiging sapat ang suplay ng mga gulay, partikular na sa mga Kadiwa store sa gitna ng epekto ng masamang panahon.
Kasunod ito ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, kabilang ang gulay sa mga pamilihan sa Metro
Manila dahil na rin sa nagdaang Bagyong Dodong at patuloy na pag-iral sa bansa ng hanging Habagat.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Kristine Evangelista, kahit may paggalaw sa trading post at volume ng dinadalang gulay sa Metro Manila, hindi maaantala ang agricultural supply sa mga Kadiwa store.
Iginiit ng opisyal na sapat ang suplay ng mga gulay na pakikinabangan ng mga benepisyaryo sa ilalim ng food stamp program ng Department of Social Welfare and Development.
-DWIZ 882