TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) ang sapat na suplay ng agricultural products ngayong ‘ber’ months.
Ayon kay Agriculture Spokesman Assistant Secretary Arnel de Mesa, kabilang dito ang suplay ng sibuyas; karne ng baboy, manok, at baka; at bigas.
Dagdag pa ni Asec. De Mesa, sinisiguro rin ng DA na ang nasabing mga produkto ay nasa tamang presyo.
Paliwanag pa ng opisyal, bumabalik na sa dati ang suplay ng mga pangunahing bilihin, at nakalatag na rin ang plano ng ahensiya na mag-import ng karneng baboy, manok, at baka sakaling kapusin ang suplay nito.
“Iyong bigas, napakaganda rin ng ating supply both local and imported despite iyong mga nangyaring kalamidad mula El Niño at iyong mga sunud-sunod na bagyo,” dagdag pa niya.