(Tiniyak ng DA) SUPLAY NG MURANG BIGAS SAPAT

PHOTO COURTESY OF CNN PHILIPPINES

SINIGURO ng Department of Agriculture (DA) sa publiko na may sapat na suplay ng murang bigas sa merkado.

Ayon kay DA Assistant Secretary at Spokesperson Arnel de Mesa, halos natapos na ng bansa ang wet season harvest.

“We have harvested about 90% of palay across the nation, bought at P22.00 per kilogram,” sabi ni De Mesa.

Aniya, ang volume ay kasalukuyang ibinebenta sa average na P23-25/kilo farmgate price. Ang average retail price para sa regular well milled ay nasa P42.80/kilo  habang ang umiiral na presyo para sa well milled ay P45/kilo.

“The possible movement in price is an adjustment as only few areas remain harvestable from the current wet season,” pagbibigay-diin pa ng opisyal.

Aniya, inaasahan ang kabuuang ani na 3.063 million metric tons (MMT) para sa mga buwan ng Nobyembre at Disyembre.

“Based on data and information from the Philippine Rice Information System, it is generally a good harvest year for the Filipino rice farmers,” ani De Mesa.

Dagdag pa niya, ang national rice outlook para sa taon ay aabot sa 20 MMT.