TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa maayos na kalagayan ang mga turistang Pilipino na stranded sa Machu Picchu, Peru.
Ang pahayag ay ginawa ni Teresita Daza, tagapagsalita ng DFA, matapos magsara ang Cusco International Airport sa Peru nang mapabagsak ang dating Pangulo ng bansa na si Pedro Castillo.
Ayon kay Daza, patuloy nilang tinitiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa lugar sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga ito.
Matatandaang una rito, idineklara na ang state of emergency sa Peru na nagresulta ng pagka-stranded ng maraming turista.
DWIZ 882