(Tiniyak ng DOE ngayong summer) WALANG ROTATIONAL BROWNOUT

Redentor Delola

WALANG mararanasang rotational brownout ang mga residente ng Luzon ngayong tag-init, ayon sa Department of Energy (DOE).

Sa isang press briefing, sinabi ni DOE Assistant Secretary Redentor Delola na kayang serbisyuhan ng kasalu- kuyang power supply ang peak demand na 11,841 megawatts (MW), na inaasahan sa kala gitnaan ng Mayo kahit na offline ang pitong power generation companies.

Ang mga kompanya na nakahinto ang operasyon magmula noong nakaraang buwan ay ang Asia Pacific Energy Corporation, Caliraya-Botocan-Kalayaan Power Company Ltd, Luzon Hydro Corporation, First Gas Power Corporation, GN Power Mariveles Center Ltd. Co., Petron Corp., at Sem Calaca Power Corporation.

Ang shutdown ay inaasahang tatagal mula Mayo hang- gang Agosto.

Nauna nang sinabi ni Delola na tinitingnan na ng DOE ang shutdowns na sanhi ng scheduled maintenance at technical glitches.

“Given these extended outages, what we are seeing in our profile is there is a possibility of yellow alerts during week 15 to week 18. That’s the second week of April and the first week of May. We expect another round of yellow alerts during week 21 to week 25,” aniya.

Sinabi naman ni DOE Undersecretary Felix William Fuentebella na hindi dapat mangamba ang mga consumer sa yellow alert status dahil hindi ito magreresulta sa power interruption.

“Huwag tayong mangamba dahil mayroon pa tayong supisyente na koryente. Hindi siya nagreresulta sa power interruption. Pero ‘pag nag-red alert na po ‘yan, ‘yon ang nagkakaroon ng mga rotating brownout,” sabi ni Fuentebella.

Sa panahon ng yellow alert, mahigpit na babantayan ng DOE ang generation companies nang sa gayon ay hindi madagdagan ang power plant outages na maaaring tumaas sa red alert.

“Since mababa ‘yung demand, ‘yung projection ng yellow alert hindi rin mangyayari. Ibig sabihin maganda ang sitwasyon,” ani Fuentebella. PNA

7 thoughts on “(Tiniyak ng DOE ngayong summer) WALANG ROTATIONAL BROWNOUT”

Comments are closed.